^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Sisihin ang LTO

Pilipino Star Ngayon

LABINTATLO ang namatay nang mahulog ang isang Ford Fierra sa 80 talampakang bangin sa Bugias, Benguet noong Sabado. Yupi-yupi ang Fier­ra nang bumagsak sa batuhang bangin. Sampu ang agad namatay sa pinangyarihan ng insidente samantalang ang tatlo ay namatay sa ospital noong Linggo. Sampu ang nakaligtas sa trahedya kasama ang driver. Ayon sa imbestigasyon ng Cordillera police, nawalan ng preno ang sasakyan habang pababa sa matarik at madulas na bahagi ng kalsada sa bayan ng Bugias. Dahil umuulan, hindi na ito nakontrol ng drayber at tuluy-tuloy na nahulog sa batuhang bangin. Galing umano sa thanksgiving party ng isang nanalong mayor ang mga sakay ng Fierra nang mangyari ang trahedya.

Nawalan na naman ng preno kaya nahulog sa bangin. Naulit na naman ang ganitong pangyayari na nawalan ng preno. Nakakatakot na ang mga nangyayaring ito na laging walang preno ang mga sasakyang naaksidente. Noong nakaraang taon, isang bus na may sakay na mga estudyante ang naaksidente sa Baguio at marami ang namatay. Nawalan din umano ng preno ang bus habang pababa sa bundok at sumalpok sa isang kasalubong na delivery truck.

Noong Linggo, isang pampasaherong jeepney rin ang nahulog sa isang bangin sa Buruanga, Aklan at tatlo ang namatay. Ayon sa police report, nag-malfunction ang gear ng jeepney habang nasa matarik na lugar. Nahulog ito sa bangin na may lalim na 24 talampakan.

Paulit-ulit lamang ang ganitong trahedya sa kalsada na kinasasangkutan ng mga sasakyang walang preno at iba pang mechanical trouble. At ang nakapagtataka, patuloy naman ang Land Transportation Office (LTO) sa pagre-renew ng rehistro ng mga sasakyan. Sa kabila na palyado at gastado na ang preno at maraming depekto, patuloy pa ring nire-renew ang mga ito. Sa halip na pagbawalan ang may-ari ng sasakyan sapagkat delapitated na ang nire-renew, walang ginagawang aksiyon. Ang mahalaga lang sa LTO ay kumita ng pera mula sa pagre-histro at balewala kung maaksidente ang sasakyan. Wala silang pakialam kung mahulog ang sasakyan sa bangin dahil sa depektibong preno.

Kailan mabubuksan ang isipan ng mga namumuno sa LTO? Kapag marami nang namatay?

 

AYON

BANGIN

BUGIAS

FORD FIERRA

LAND TRANSPORTATION OFFICE

NAWALAN

NOONG LINGGO

PRENO

SAMPU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with