^

PSN Opinyon

Komedyang bastos!

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SANA magkaroon ng isang organisasyon ng mga ko-medyante na magpaparusa sa mga comedians na nambabastos sa ibang tao. At sana rin, yung mga kompanyang konektado sila ay umaksyon kapag mali ang kanilang ginagawa. Kung hindi naman, sana’y magkaroon ng batas na magpaparusa sa mga komedyanteng manlalait ng ibang tao. Ewan ko kung puwedeng masakop ng libel ang ganyan.

Sabagay lahat ay nagkakamali. Pero kapag hindi niren­da­han ang mga pagkakamali, aakalain ng mga komed­yante na tama ang kanilang ginagawa.

Talk of the town ngayon ang  comedy line ng sikat na komedyanteng si Vice Ganda na sa ginawang concert ay ininsulto ang TV anchor na si Jessica Soho. Masyadong personal ang panlalait at hindi ko na uulitin dahil batid na ng marami. Naibalita na ito sa mga pahayagan, radyo at telebisyon.

Marahil inaakala ni Vice na may lisensya siyang gawin ito dahil isa siyang celebrity at bahagi ng trabaho niya iyan. Maling, maling mali! Sumikat ka nga at yumaman pero maaatim mo ba na sa bawat sentimong kinikita mo ay may tao kang ininsulto?

Hindi ko malaman kung bakit nauso ang tinatawag ng mga bakla na pang-ookray. Kung may nagkakagusto, mas marami ang naiinsulto. Halimbawa, kahit hindi ka kilalang tao kapag medyo pandak at mataba ay tatawaging mukhang palaka o mukhang penguin. Walang sinasanto basta’t makapagpatawa lang.

Sasabihin siguro ng komedyante na kahit sarili niya ay nilalait niya naman. Tulad ni Vice Ganda na sumikat dahil kinikilala niya na siya’y mukhang kabayo. Kung mara-ngal kang tao, igagalang mo ang ibang tao at bayaan mo na lang ang sarili mo ang magmukhang katawa-tawa.  Diyan ko hinaha­nga­­­an ang yumaong comedy king na si Dolphy. Iniinsulto rin niya si Pan­chito at Babalu na kasama niya  sa eksena pero never siyang nanlait ng nanonood. Sabi nila, comedy is trage­dy. Halimbawa, habang nag­­lalakad si Charlie Chaplin ay nadulas sa balat ng saging, yung trahedyang sinapit niya ay katatawanan sa mga nanonood. Pero kung ang trahedya ay ipata­tama mo sa mga audience mo, baka makatagpo ka ng pikon at barilin ka pa. Tayo ba’y tumatanda nang pa­urong? Ako’y hindi galit sa bakla pero kahit tunay na lalaki o babae, kapag bastos ay dapat kagalitan talaga!

vuukle comment

BABALU

CHARLIE CHAPLIN

HALIMBAWA

JESSICA SOHO

NIYA

PERO

SHY

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with