Handa na ba kayo?
ANO kaya ang mangyayari bukas? Nitong mga nakaraang linggo, nakita natin ang mga aberya sa mga pagtesting ng PCOS machines. Mga maliliit na problema na lumitaw nang gamitin muli ang mga makina. Kailan lang ipinakita ng Comelec ang source code ng mga nasabing makina. Dumami rin ang karahasan na may kinalaman sa pulitika. Mga taga-suportang pinapatay, mga opisyal na tinatambangan. At ang pinaka-bagong isyu, brownout. Ilang malalaking lugar sa Luzon ang nakaranas nang biglang putol ng kuryente, dahil namatay daw ang limang planta ng kuryente sa Luzon. Wala raw sabotaheng naganap, ayon sa DOE. Nagkaroon ng mga rotating brownouts ang ibang lugar hanggang sa maging operational muli ang mga planta. Sa atin, bihira na mangyari ang ganyan. Pero sa Mindanao, karaniwan lang daw.
Kaya naman umikot ang tsismis na baka hindi raw ituloy ang halalan sa Lunes, dahil sa dami ng mga isyu at dahilan para magka-aberya – karahasan, brownout, anomalya. May kandidato pa nga na gustong ipagpaliban na muna ang halalan dahil hindi raw “malinis†ang source code. Pero tiniyak ng Comelec na matutuloy ang halalan, anuman ang mangyari. May mga nakaantabay daw na mga baterya para sa PCOS machines kung sakaling maulit ang brownout. Nakahanda na rin daw ang PNP para sa anumang sitwasyon, at para siguraduhing maayos at mapayapa ang halalan. Handa na rin daw ang mga electoral watchdogs para bantayan ang halalan. At sabi nila, may mga magbabantay para sa mga magtatangkang gumamit ng mga signal jammers. Sana nga.
Pero ang pinaka-epektibong bantay ay ang mamamayan mismo, kung may tunay na malasakit sa bayan.
Kung ang plano ay ibenta lamang ang boto sa walang prinsipyong kandidato, wala siyang naitulong sa bansa. Kung pababayaan lamang ang mga makikitang anomalya sa halalan, wala siyang naitulong sa bansa, nakasama pa siya. Mahalaga ang boto natin, kaya nga pinagÂlalabanan nang husto ito ng mga kandidato. Kaya nga pumapatay ang ilang kandidato para lang makuha ito. Ang mga boto natin ang maghuhubog sa kinabukasan ng ating bansa. Kaya mahalaga rin na mag-isip nang mabuti kung sino ang bibigyan ng kapangyarihang iyan. Kaya, handa na rin ba kayo?
- Latest