^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Tiyakin, kaligtasan ng mga pasahero

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — Tiyakin, kaligtasan ng mga pasahero

NGAYONG araw na ito inaasahang daragsa ang mga pasahero sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at sa Cubao bus stations. Mas darami pa bukas (Miyerkules Santo) para makahabol sa paggunita ng Semana Santa sa kani-kanilang mga probinsiya. Ayon sa report, may biyahe pa ang mga bus hanggang Huwebes Santo.

Isa sa sinasabing nagiging problema ng mga pasa­hero ay ang mabagal na pagdating ng mga bus kaya matagal ang kanilang paghihintay sa mga terminal. Sabi ng mga namamahala sa PITX, nagkakaroon ng trapiko kaya mabagal ang pagdating ng mga bus. Sabay-sabay daw umaalis kaya nadi-delay ang pabalik. Pero marami raw bus kaya makakasakay lahat ang pasahero kahit hindi naka-advanced booking.

Inaasahan na ang ganito ngayong panahon na dagsa ang mga pasahero sa terminal at nagkakaroon ng kakulangan sa bus. Mas marami umano ang umuuwi kung Mahal na Araw sa kani-kanilang probinsiya. Ayon sa PITX, 160,000 na pasahero ang kanilang siniserbisyuhan araw-araw. Tinitiyak ng PITX ang kaligtasan ng mga pasahero.

Sinasabi na ang pagbibiyahe sa pamamagitan ng bus ang pinakadelikado sa lahat ng uri ng transpor­tasyon. Marami nang naitalang pagbangga at pagkahulog sa bangin ng mga pampasaherong bus. Karani­wang nawawalan ng preno ang mga bus. Mayroong human error kaya nadidisgrasya. Dahil sa maling pag-overtake, bumabangga sa sasakyan na nasa kabilang lane.

Isa rin sa mga dahilan kaya bumabangga ang bus ay dahil lasing sa alak ang drayber at mayroon namang lango sa ipinagbabawal na droga. Ayon sa pamunuan ng PITX, regular na nagsasagawa ng drug tests sa mga bus driver. Ang mga magpopositibo sa paggamit ng droga ay posibleng matanggal sa trabaho.

Ayon sa report ng World Health Organizations (WHO), 1.3 milyong katao ang namamatay taun-taon sa buong mundo dahil sa aksidente sa kalsada. Sa Pilipinas, 32 katao ang namamatay araw-araw dahil sa aksidente sa kalsada. Ang mga malalagim na aksidente ay isinisisi sa mga walang disiplinang drayber na nagpatuloy na nagmaneho kahit nalalaman nilang may problema ang sasakyan.

Ipursigi naman ng Land Transportation Office (LTO) ang pag-educate sa mga kukuha ng driver’s license para hindi sila maging mitsa ng mga aksidente sa kal­sada. Maraming nakakakuha ng lisensiya kahit ignorante sa batas trapiko.

Tiyakin ang kaligtasan ng mga pasahero nga­yong panahon ng Semana Santa at iba pang okasyon na umuuwi sa probinsiya ang mamamayan. Maiiwasan ang malalagim na aksidente kung may sapat na kaalaman at nasa isip ang pag-iingat. Huwag hayaang maging ka­baong ang mga bumibiyaheng bus.

PITX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with