^

PSN Opinyon

Bakit mabilis ang takbo?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NOONG Linggo, isang madugong aksidente ang naganap­ sa Commonwealth Ave., Quezon City. Isang pampasaherong jeepney ang bumangga sa likod ng modernong pam­pasaherong jeepney. Bumaliktad ang bumanggang jeepney at tumama naman sa pribadong sasakyan. Ayon sa pinakahuling report, dalawang pasahero ang namatay habang 16 ang nasaktan. Lahat sila pasahero ng jeepney.

 May CCTV na nakuhang mabilis ang takbo ng jeepney nang bumangga sa likod ng modernong jeepney, kaya bumaliktad. Ayon sa drayber ng bumangga na sa ngayon ay hawak na ng mga awtoridad, nawalan daw ng kontrol ang kanyang sasakyan. Siyempre ang sisisihin ay ang sasakyan­ at hindi ang kanyang pagmamaneho. Mabuti at hindi sinabing nawalan ng preno.

 Iniimbestigahan kung ano ang nangyari. Pero wala pa akong alam na kaganapan kung saan nagkaroon ng sariling isip ang lumang pampasaherong jeepney na kusang mabilis ang takbo at hindi na nakontrol ng drayber. Wala. Hindi kusang bumibilis ang takbo ng isang sasakyan.

At dahil hindi sinabing nawalan ng preno, dapat napahinto o napabagal niya ang sasakyan sa pamamagitan ng preno. Para bumaliktad ang jeepney dahil mabilis ang takbo nito. Nahaharap ngayon ang drayber sa patong-patong na kasong “reckless imprudence resulting in multiple homicide, multiple physical injuries and damage to property.”

 May ulat na isa sa mga namatay ay graduating ng high school at patungo para mag-entrance exam para sa kolehiyo. Labing-siyam na taon na sana siya ngayong Abril. Napa­kalungkot naman. Hustisya na ang sigaw ng kanyang kamag-anak. Managot ang may sala!

Kapag napatunayang masyadong mabilis ang takbo ng jeepney na wala namang diperensiya, kasalanan iyan ng drayber. Hindi ko naman alam kung bakit kailangang magpatakbo nang mabilis ang pampasaherong sasakyan kung sa isang segundo ay may magpapababa na pasahero, o kaya ay may sasakay.

Pero sa totoo lang, baka hindi na dapat tayong magtaka at hindi lang naman mga nakamotorsiklo ang maraming kamote kundi mga drayber din ng pampasaherong sasakyan. Meron din sa mga pribadong sasakyan. Mga walang karapatang magmaneho ng kahit anong sasakyan, lalo na ang pampasahero.

Hindi na inisip na maraming buhay ang nakasalalay sa kanilang pagmamaneho. Panahon na bang pag-aralan ng mga mambabatas ang pagkakaroon ng mas malaking pananagutan ang mga drayber ng pampublikong sasakyan? Mas malaking responsibilidad ang dapat nilang sinasagot.

JEEPNEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with