‘Martial law’ sa Maynila
NAKAAALARMA ang ulat na animo’y may “martial law†na ipinaiiral ang administrasyong Lim sa Maynila, partikular laban sa mga supporter ni mayoralty candidate Erap Estrada.
Ayon sa mga Manilenyo na kabilang sa grupong Sa Isip, sa Salita at sa Gawa (SISAG) sa pangunguna ng Secretary-General na si Carol Sawali, “Sunud-sunod na po ang nagaganap na mga insidente ng paghahari-harian, panggigipit at harassment ng kampo ni Lim sa sinumang hindi sumusuporta sa kanyang kandidatura.â€
Ikinuwento nila ang napakarami na umanong ginawang marahas na aksyon ng kampo ni Lim tulad ng: 1) Pagpunit sa kulay-orange na ‘Erap-Isko campaign T-shirt’ na suot ng isang tricycle driver na naghatid ng pasahero sa Wagas Street, Tondo kung saan ay naroon ang bahay ng mga Lim; 2) Pagkumpiska sa mga ‘Erap-Isko apron’ na suot ng ilang tindera sa Yangco Street, Tondo; 3) Pagpapapunta ng mga pulis na armado ng mahahabang baril sa Erap-Isko community caucus sa M. De Santos Street, Barangay 276 sa Binondo; 4) Pagsaboy nang maruming grasa sa mga nagkakabit ng Erap-Isko posters sa corner ng Concha at Nolasco Streets sa Tondo; 5) Pagtanggal ng “plug†ng kuryente ng ilaw at sound system sa Erap-Isko community caucus sa kalye ng Concha at Quezon sa likod ng Tondo High School sa mismong oras ng pagtuntong sa entablado ni Erap; 6) Pagtanggal din ng plug ng kur-yente ng ilaw at sound system sa caucus sa Plaza Noli sa Sampaloc habang nagtatalumpati si Isko; at 7) Pagbaklas at pagsira sa mga Erap-Isko campaign posters.
Ayon sa SISAG, “Matagal na po kaming nagtitiis sa hindi makataong pagtrato ni Mayor Lim sa mga Manilenyo. Sawa na po kami, at handa na kaming lumaban. Ito pong mga insidenteng ito ng pangha-harass, panggigipit at paghahari-harian nila ay lalong nagpapatibay sa desisyon namin na huwag nang iboto si Lim sa darating na eleksyon.â€
- Latest