^

PSN Opinyon

Competence, Performance at Good Governance sa BOC

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

INIS - talo ang basa ng mga kuwago ng ORA MISMO, kay Customs Commissioner Ruffy Biazon dahil hindi nito napigil ang sarili na isigaw sa madlang people ng Philippines my Philippines na buwagin na ang tanggapan ng Bureau of Customs dahil sa talamak na ‘corruption’ at ‘smuggling’ dito.

Ano kaya ang nakain ni Ruffy bakit niya nasabi ito ?

Hindi biro ito kung magiging totoo ang sinasabi ni Ruffy dahil sangkaterba ang mawawalan tiyak ng hotraba at kawawa naman ang mga hindi gumagawa ng kagaguhan sa bureau dahil pati sila madadamay.

Ano sa palagay ninyo ?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, parang hindi kayang puksain ang anomalya na nangyayari sa bureau kahit na sangkaterbang mga economic saboteur ang kinasuhan ni Ruffy sa DOJ.

Mukhang inaako lahat ni Ruffy ang mga nangyayaring kababalaghan sa BOC.

Ang tanong ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may dalawang asset daw si Ruffy na mga retired general sa katauhan nina deputy Commissioner for intelihensiya este mali intelligence and enforcement retired General Danny Lim at  retired PNP Chief Supt. George Alino, director ng Customs Police.

‘ano kaya ang ginagawa nina Lim at Alino bakit rampant pa rin ang smuggling at corruption sa bureau ? Mahihina ba sila sa ganitong sistema para masugpo ang katarantaduhan dyan sa kanilang kinauupuan lugar ?’ tanong ng kuwagong binukulan.

Bakit si Biazon lang ang tinitirya ng kanyang mga kritiko ? Dahil ba siya lamang ang nagta-trabaho at nagsasampa ng kaso sa mga smuggler dito at mga kasabwat na taga-customs?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi biro ang monitoring group ng intelligence group at police nina Lim at Alino na nangangasiwa ng amuyan blues sa mga smuggler sa aduana at hindi lamang ito sa Manila International Container Port, Port of Manila at NAIA kundi sa buong Philippines my Philippines.

‘bakit may mga nakakalusot pa sa kanila ?’

‘may money involved kaya nakakalusot ang mga smuggler ?’ tanong ng kuwagong haliparot.

‘ano kaya ang ginagawa ng mga tauhan nila ?’ tanong ng kuwagong kotong group.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, wala pa sina Lim at Alino nandyan na sa aduana ang kanilang mga tauhan.

Ika nga, dito na sila nagka-sungay ?

Sabi nga, amoy lang nila alam na nila kung kaninong baho o shipment ang may problema sa bureau.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Ang idea na naisip ni Biazon na isaparador este mali isapribado pala ang Bureau of Customs ay lalo lamang siyang magiging kontrabida sa madlang people.

‘kung ano man ang punto o gustong palabasin ni Ruffy sa pinagsasabi nito iyan ang hindi natin maintindihan.’

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi birong banggain ang mga smuggler na may koneksyon sa mga tauhan sa bureau at maging sa palasyo dahil sa dami ng pantapal nitong salapi sa mga kurap.

Sa palagay ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi solusyon ang pagbuwag sa BOC ang maganda rito ay halukayin ni Ruffy at ibulgar na niya ang mga kamoteng nagpapabagsak ng gobierno sa pamamagitan ng smuggling operation at mga kasabwat nila sa gobierno.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang dapat gawin ni Ruffy ay irekomenda kay P. Noy na magkaroon ng special court na lilitis sa mga economic saboteurs at kasabwat para mapabilis ang hatol sa kanila at sa ganitong paraan tiyak aatras ang mga kamote dahil matatakot silang makalaboso.

‘isa pa halukayin ni Biazon ang mga customs people na may mga matatagal ng kaso sa hukuman na natutulog lamang lalo na noon panahon ni GMA.’

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, napakaraming mga tekamots ang nakasuhan ng rice at sugar smuggling, car smuggling at marami pang iba.

Kaya ito ang pakalkal mo sa mga korte para makita mo ang mga sumabit na empleado ng bureau at dito muna umpisahan silang desisyunan,

Abangan.

ALINO

ASSET

KUWAGO

MISMO

ORA

RUFFY

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with