^

PSN Opinyon

Iwaksi ang ating mga kasalanan

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva - Pilipino Star Ngayon

NAGPAKILALA ang Diyos kay Moises sa bundok ng Horeb sa may punong kahoy na nagliliyab ngunit hindi nasusunog. Nagpapakilala rin sa atin ang mahabaging Ama na nagmamagandang-loob. Simula pa sa Lumang Tipan ay ipinahayag na sa atin na Siya ay pawang pag-unawa, pagtulong at pagpapatawad.

Ang nangyari kay Moises at sa mga tao sa ilang ay isinulat bilang babala sa atin na hindi rin tayo pababayaan ng Diyos. Sabi ni Pablo: “Mag-ingat ang sinumang nag-aakalang siya’y nakatayo, baka siya mabuwal.” Maging si Hesus ang nagsabi sa atin: “Kapag hindi pinagsisihan at tinalikdan ang iyong mga kasalanan mapapahamak din kayong lahat.” Iwaksi ang ating mga kasalanan.

Ayon sa talinghaga, napansin ng may-ari ang kanyang lupa na: “Tatlong taon na akong pumaparito at nagha­hanap ng bunga sa punong ito ngunit wala akong makita. Putulin mo na! Nakakasikip lang yan!” Ngunit sumagot ang tagapag-alaga. “Huwag po muna nating putulin. Huhukayan ko ang palibot at lalagyan ng pataba. Kapag namunga po sa darating na taon, mabuti, ngunit kung hindi, putulin na natin.”

Lahat ng tao ay makasalanan. Alin sa mga utos ng Diyos ang ating sinuway? Sino ba tayo sa harap ng Diyos? Tayo ba ay mga taong makasalanan, nagsisi at nagbalik-loob sa Diyos? O tayo ba ay mga mabubuting tao, nagpakasama, nagkasala at tumalikod sa Diyos? Huwag tayong mawalan ng pag-asa.

Mapagpatawad ang Diyos­ sa ating lahat na humihingi ng tawad.Paano naman natin mapapatawad ang mga kapwa natin na hindi man lamang humihingi ng tawad at ipinagmamalaki pa ang kanyang kasamaan? Dasalin natin ang Ama Namin!

Ex3:1-8, 13-15; Salmo102; 1Cor10:1-6,10-12 at Lk13:1-9

* * *

Patawarin mo kami, Pa­nginoon. Liwanagan ng Espiritu Santo ang mga Cardinal sa pagpili sa bagong Papa.

 

vuukle comment

AMA NAMIN

AYON

DIYOS

ESPIRITU SANTO

HUWAG

KAPAG

LUMANG TIPAN

MOISES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with