^

PSN Opinyon

Mag-ingat sa I-pod, electric fan at polusyon

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

I-pod Puwedeng Makabingi:

(1) Ayon sa mga eksperto, puwedeng makabingi ang laging paggamit ng I-pod. Ang tunog na lampas sa 90 decibels (tulad ng rock concert, drill, paputok, at eroplano) ay puwedeng magdulot ng paghina sa pandinig. Sa katunayan, 30 minutos lang sa Rock Concert ay hihina na ang iyong pandinig.

(2) Ayon sa pagsusuri, puwede rin atakehin sa puso ang mga madalas exposed sa ingay. Kahit akala natin ay balewala lang iyan, may masamang epekto pala sa stress level ng katawan ang malakas na ingay. Hindi mahimbing ang tulog at laging balisa. Ang payo ko ay gumamit ng ear plugs at umiwas sa maiingay na lugar.

Electric fan, huwag itapat sa mukha:

(1) Hindi alam nang marami na puwedeng maparalisa ang mukha sa paggamit ng electric fan. Kapag natulog kang nakatapat sa electric fan, puwede kang magkaroon ng Bell’s Palsy. Ito ’yung ngumingiwi ang isang parte ng mukha.

(2) Kapag ika’y natulog ng nakanganga, puwedeng ka ring magka-sore throat. Maglagay ka ng kulambo. Ipaikut-ikot ang electric fan, at huwag nakatutok sa iyo.

Iwasan ang araw:

(1) Ang matinding araw, mula 10 ng umaga hanggang 4 ng hapon ay puwedeng makapagdulot ng skin cancer. Gumamit ng sunblock na may SPF 15 pataas. Piliin ang sunblock na nagbibigay ng proteksyon laban sa UV-A at UV-B. Ito ‘yung mga masasamang radiation na nakaka-kanser.

(2) Sinisira ng araw ang collagen ng ating balat. Ang collagen ay parang rubber band na pinapanatiling ma­ lambot at makinis ang ating kutis. Kapag mahilig kang mag-beach, kukulubot ang iyong mukha sa katagalan. Sa pagsusuri, umaabot ng 25-30 years bago lumabas ang masamang epekto ng araw sa ating balat.

(3) Para protektahan ang iyong mata, huwag tititig sa araw at nakakasilaw na bagay. Ito’y dahil puwedeng sirain ng araw at ilaw (tulad ng laser pointer) ang retina ng ating mata. Ang retina ay parang negatibo ng kamera, kung saan luma­labas ang imahe ng ating nakikita. Hinaan ang liwanag ng TV at computer. Magsuot ng sunglasses kapag nasa labas.

Polusyon nakasisira ng baga:

(1) Ang usok at polusyon sa siyudad ay napakasama sa ating baga. Babara ang mga maiitim na usok na iyan at mahihirapan tayong humi­nga. Sa katagalan ay puwedeng bumaba ang oxygen o hangin sa ating baga.

(2) Tulad ng araw, ang usok ay nakakakulubot din ng mukha. Nakakita na ba kayo ng kulubot na puwit? Wala pa hindi ba? Ang balat natin sa puwit ang pinakamakinis sa lahat, dahil ito’y protektado ng damit laban sa polusyon at sa araw.

Ang payo natin ay huwag magpapa-expose sa matitin-ding hangin, dumi, alikabok, ulan, araw at init. Kung kaya rin lang, sumakay ng air-con bus. Alagaan ang ating baga at kutis.

ALAGAAN

ARAW

ATING

AYON

KAPAG

PUWEDENG

PUWEDENG MAKABINGI

ROCK CONCERT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with