Mga dapat tandaan para maiwasan ang cancer (Unang bahagi)
NGAYON ay “Cancer Consciousness Weekâ€. Mahala-gang malaman ng bawat isa kung paano makakaiwas at kung paano malalaman nang maaga ang sakit na ito. Bagama’t hindi lahat ng cancer ay maaaring iwasan, ang mga sumusunod ay maaring makatulong sa pagÂ
laban sa sakit.
1. Huwag manigarilyo. Kung kayo ay addicted na sa sigarilyo at hindi na maaring iwasan, maaaring subukan ang mga sumusunod na suhestiyon: a.) Bawasan ang bilang ng sigarilyo na ini-smoked; b.) Huwag singhutin ang usok; c.) Huwag hithitin lahat ang buong
sigarilyo o huwag sagarin hanggang sa may filter; d.) Piliin ang sigarilyo na may pinaka-mababang toxic contents; e.) Piliin ang sigarilyo na may filter tips at kung maaari, gumamit ng karagdagang filter; f.) Mag-pipa o mag-cigar smoking (tabako); at g.) Tularan si Pres. Fidel
Ramos na hindi sinisindihan ang kanyang tabako.
2. Huwag uminom ng sobra-sobrang alak. Ang pag-inom nang sobra ay nagiging dahilan ng liver at esophageal cancer.
3. Huwag kumain nang sobrang alat, mainit, spicy at mga ini-smoked na pagkain lalo na ang maraming salitre sapagkat iniuugnay ang mga ito sa stomach cancer. Ang cancer sa colon ay maaaring maiwasan sa pagkain nang maraming fiber. Huwag kumain ng moldy food
sapagkat maaaring maging dahilan ng liver cancer.
4. Panatilihin ng mga kababaihan ang kalinisan o personal hygiene. Mababawasan nito ang panganib sa pagkakaroon ng cancer sa cervix. Ang mga kalalakihan na laging nililinis ang kanilang penis ay maliit ang chance na magkaroon ng cancer sa nasabing organ. Ayon
sa pag-aaral ang mga kababaihan na ang asawa ay tuli ay mababa ang incidence ng cervical cancer. (Itutuloy)
- Latest