^

PSN Opinyon

Makati City, kinilala dahil sa better na serbisyo publiko! (Part 1)

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Mga Proud Makatizens, buong galak kong ibinabahagi sa inyo ang tatlong mahahalagang pagkilala na natanggap ng ating lungsod kamakailan.

Ang mga parangal na ito ay patunay ng ating sama-samang pagsisikap upang itaguyod ang kaunlaran at kagin­hawaan para sa bawat isa.

Una, ginawaran tayo ng Securities and Exchange Commission (SEC) ng Plaque of Recognition dahil sa ating mahalagang kontribusyon sa transparency at pagpapaunlad ng Philippine capital markets.

Isang inspirasyon ito para sa patuloy na pagpapalakas ng business sector sa ekonomiya ng lungsod.

Pangalawa, meron tayong Plaque of Appreciation mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga inisyatibang nagbibigay ng disenteng trabaho sa ating mga kababayan.

Ang pagkilalang ito ay sumasalamin sa ating layunin na mapabuti ang kalidad ng buhay ng bawat Makatizen.

Pangatlo, pinarangalan din ang PESO Makati City dahil sa kanilang dedikasyon sa employment facilitation programs at career development.

Ang kanilang suporta sa career counseling at vocational training ay malaking tulong sa mga naghahanap ng mas maayos na oportunidad.

* * *

Nais kong magpasalamat sa inyong lahat sa walang sawang suporta at tiwala. Nawa’y ang diwa ng Pasko ay magdala ng pag-asa, pagmamahalan, at kapayapaan sa bawat tahanan sa Makati. Sama-sama nating ipagdiwang ang tagumpay ng ating lungsod at ang biyaya ng pagka­kaisa.

Mula sa akin at sa buong pamahalaang lungsod, Mali­gayang Pasko at Manigong Bagong Taon!

PROUD MAKATIZENS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with