FOI is now FIO
FUNERAL Is Over (FIO)! Iyan ang kinasapitan ngayon ng naunsiyaming batas na inaabangan nang marami, ang Freedon of Information (FOI) bill. Namatay, inilibing nang hindi man lang masusing natalakay sa plenaryo. Laging walang quorum kuno.
Sa totoo lang, wala akong nakitang kapatak na interes (maliban sa ilang may pusong mambabatas) sa panig ng Mababang Kapulungan na maipasa ito.
Ang sabi ni Presidente Noy “FOI can wait.†Gusto raw ng Presidente na mapagdebatehan pa nang husto ang panukalang batas na ito. Kailan pa? Bigo ang hangad ng marami na sertipikahan ng Presidente ang panukala para maipasa agad kahit gahol na sa panahon.
Sasaluhin na iyan ng susunod na Kongreso at nakikinita ko na isalang man ang bill na iyan sa deliberasyon, hindi rin ito mapagtitibay. Pakitang tao na lang.
Mapait na katotohanan na taumbayan lang ang may gusto ng FOI dahil mabibigyan sila ng karapatang silipin ang gastusin ng gobyerno at kung papaano ginagamit ang buwis na kanilang binabayaran.
Pero sa panig ng mga hangal, eheste halal na opisyal sa pamahalaan, ayaw nilang masilip ang mga katiwaliang ginagawa sa dilim. Hopeless ang FOI bill.
Kakatwa na kamakalawa, nagbabala si Presidente Aquino sa pagbabalik ng mga tiwaling opisyal ng pamahalaan. Mabibigo aniya ang inaasam niyang “daang magtuwid†kung hindi makapagsasagawa ng reporma sa istruktura ng pamahalaan.
Eh bakit ibinasura ang FOI na dati niyang campaign promise? Nalulungkot ako sa pangyayaring ito. Batid naÂting may Presidente tayong sinsero sa hangaring sugpuin ang corruption sa bansa. Pero ang tanong, anong puwersa ang pumiÂpigil sa kanya at ayaw niyang mapagtibay ang FOI na ginaÂgamit na sa ibang bansa para mahadlangan ang tiwaling balak ng mga nanunungkulan sa gobyerno?
It is really ironic na sa 5th Global Conference of Parliamentarians against Corruption, nagbabala pa ang Pangulo laban sa pagbabalik ng katiwalian sa bansa ngunit tahasan naman palang ibabasura lang ang FOI.
Bakit, bakit, bakit?
- Latest




















