^

PSN Opinyon

‘Damaso’

- Al G. Pedroche - The Philippine Star

HINDI ako pabor sa ginawa ng pro-RH bill activist na si  Carlos Celdran na hinatulang makalaboso ng isang taon dahil binulabog ang isang misa sa Manila Cathedral para tuligsain ang mga paring tumututol sa Reproductive Health Bill na ngayo’y batas na.

Kilala na si Celdran ngayon sa alyas na “Damaso” ang pangalang nakatatak sa malaking placard na bitbit niya nang mag-martsa sa loob ng Cathedral na umagaw sa atensyon ng mga nagsisimba.

Si Padre Damaso ay bantog na karakter sa Noli Me Tangere ng bayaning si Jose Rizal na naglalarawan sa kapalaluan at pang-aabuso ng mga prayle sa kanilang kapangyarihan.

Ngunit hindi naman napakalaking kasalanan ito para hindi tapatan ng kapatawaran ng Simbahang Katoliko.  Maging si Presidente Noy ay nananawagan na patawarin na si Celdran na isang tourist guide sa Intramuros.

Sabagay puwede pa namang iapela ang kaso o kaya’y mag-apply ng probation ang sinentensyahan para hindi na maghimas ng malamig na rehas. Ang puntos lang natin ay ginawa ni Celdran ang mapangahas na one-man rally  upang ipahayag nang malaya ang kanyang damdamin tungkol sa isang maselang usapin. Mahigpit na tinututulan ng mga relihiyoso ang RH law porke ito raw ay humahadlang sa buhay.

Kahit si Celdran ay nagsasabing  hindi niya pinagsi­sisihan ang pangyayari bagama’t sinabing ito’y pagharang sa kanyang kalayaang magpahayag. Oo nga naman.  Na­ipahayag niya sa publiko ang kanyang matibay na paninindigan para mapagdibay ang RH bill na ngayon nga’y isang batas na sa kabila ng pagtutol ng  simbahan. Ang kaso kailangan niyang harapin ang resulta  ng kanyang ginawa.

Pambihira ang mga taong gaya ni Celdran na  mayroong “guts” para i-dra­­ matize ang mga is­yung pinaninindigan at ipinag­ lalaban niya. Hindi man ako pabor, iginagalang ko iyan na may kasamang pag­hanga.

Wika nga sa Inggles “dif­ferent folks, different strokes” o kani-kanyang es­tilo at pakulo. At least sumikat si “Damaso” sa kanyang adbokasya.        

vuukle comment

CARLOS CELDRAN

CELDRAN

DAMASO

JOSE RIZAL

MANILA CATHEDRAL

NOLI ME TANGERE

PRESIDENTE NOY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with