^

PSN Opinyon

Kailangan na ang electronic scanners

K KA LANG - Korina Sanchez -

PAANO nakapagpasok ng baril ang mga magnanakaw sa SM Megamall at nanloob sa isang jewelry store? Kasi mahihina ang mga guwardiya na nagbabantay ng mga pasukan! Ganun lang ang dahilan, wala nang iba! Kasusulat ko lang na kaya nakapagpasok ng ilang baril si John Pope, ang Canadian na namaril ng tatlong tao sa loob ng Hall of Justice sa Cebu bago nagpakamatay ay dahil mahihina ang mga guwardiya. Siguro napansin ni Pope iyon, kaya walang takot na nagdala ng baril sa hukuman at pinatay ang mga katunggali niya. Nakatulong din na siya ay isang Puti, kaya mas maluwag ang trato sa kanya ng mga guwardiya, kaysa sa mga kababayang Pilipino!

Isa rin itong sablay na kaugalian ng ilang guwardiya. Kapag Pilipino ang pumapasok sa mga banko, gusali, mall at kung ano pang lugar, lalo kung hindi naman pormal ang bihis, kuntodo inspeksyon. Pero kapag Puti ang papasok, halos pababayaan na lang at babatiin pa! Ilang beses ko na rin napapansin ito at pati mga kapatid ko ay nagiging biktima ng pangmamata ng ilang guwardiya! Sabi nga ng isang kaibigan ko, paano tayo aasenso kung minamata ng kababayan?

Naganap ang pagnanakaw sa Megamall noong Sabado ng gabi. Ang alam ko pangalawang beses nang pinasok ng mga armadong magnanakaw ang Megamall. Malakas ang loob na nagpasok ng baril at nilooban ang jewelry store. Kailangan na talaga ng establisimentong ito na maglagay ng electronic scanners katulad sa NAIA. Kapag tumunog ang scanner, saka kapkapan at suriing mabuti ang kagamitan! Hindi na puwedeng pagkatiwalaan ang mga guwardiya sa pag-inspeksyon ng gamit. Dalawang insidente, isa madugo pa, ang resulta ng maluwag na seguridad. Kasama na ang masamang kaugaliang pangmamata sa ilang tao. Kung hindi mukhang mayaman, mas kakapkapan, Kung mukhang sa Forbes Park o sa Corinthian nakatira, pababayaan na lang. Sino ang hindi maiinis sa ganyang kaugalian? Sino ang dapat sisihin, ang mga kriminal, o ang mga nagpapasok sa mga ito para magampanan ang masamang intensyon at hangarin nila? Mabuti na lang at walang namatay sa Megamall! Tiyak maghihigpit na naman sa SM. Tapos, pagkalipas ng ilang buwan, balik sa dating kilos! Kailangan na ng mga electronic scanner. Pero siyempre, dahil gagastos, baka hindi rin kumuha at aasa na lang sa mga guwardiya. Hanggang sa susunod na holdapan at patayan!

 

FORBES PARK

GUWARDIYA

HALL OF JUSTICE

JOHN POPE

KAILANGAN

KAPAG PILIPINO

MEGAMALL

PERO

PUTI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with