^

PSN Opinyon

Patunay na bugok, baluktot ang PNP

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

SINASALUNGAT ako ni Philippine National Police spokesman Chief Supt. Generoso Cerbo. Sinulat ko kasi na laganap ang krimen dahil tiwali at tanga ang PNP. Tuloy, nag-aarmas ang mamamayan, na nakakapigil ng krimen. Sagot ni Cerbo, nasa “manageable levels” ang kriminalidad.

Masdan ang kabugukan at katiwalian ng PNP sa tatlo lang na huling kaganapan. Una, nang tamaan ng ligaw na bala sa Caloocan City si Stephanie Nicole Ella, 7, hindi agad nag-imbestiga ang pulisya; kumilos lang nang mamatay ang bata at magalit ang madla. Nabisto pa na sa 939,827 rehistradong pribadong baril -- na siningil nang tig-P1,800 para sa ballistics recording -- 82,000 lang ang nasa talaan ng PNP Crime Laboratory. Saan napunta ang bilyun-bilyong pisong nasingil?

Ikalawa, sa kaso ni drug addict Ronald Bae na namaril ng 16 na kapitbahay sa Cavite, lumabas na hindi agad rumesponde ang pulisya. Dalawang gabi nag-report ang mga kapitbahay na nagpapaputok ng baril si Bae sa bahay. Kung sinita sana agad siya, hindi na nagkapatayan. May drug record si Bae, pero hindi kinumpiska ang lisensiyadong baril.

Ikatlo, batay sa ebidensiya at testimonya, niratrat ng pulisya ang 13 armadong lalaki sa dalawang SUV sa Quezon. Nakatuon na nga ang pansin ng madla sa krimen, pumatay pa ang pulis ng kasamahan ng 13 sa Batangas. Away pala ng mga heneral sa jueteng ang sanhi ng lahat.

Masakit man sabihin, pero kung tutuusin ehemplo

 mismo si Cerbo ng ka-  mang­mangan sa PNP. Aniya ka­ramihan ng mga pribadong de-baril ay enthusiasts at hindi pang-proteksiyon. Saan kaya napulot ng he-neral ang maling impormasyon?. Aba’y kaya nga nag-eensayo ng pagpapaputok ang mga de-baril ay para makabisa nila ang sariling armas at matuto ng ligtas na paghawak at pagtabi nito.

* * *

Makinig sa Sapol, Sa­bado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

vuukle comment

CALOOCAN CITY

CERBO

CHIEF SUPT

CRIME LABORATORY

GENEROSO CERBO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RONALD BAE

SAAN

STEPHANIE NICOLE ELLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with