New Year’s Day: Birthday ng lahat
KATAWA-TAWA. Bago natin simulan ang taon sa pamamagitan ng resolutions upang maging mabuting tao, naglalasing tayo, nagpapaka-bundat, naninigarilyo, nag pupuyat, at peligrosong nagpapaputok.
Tapos, lumalabas sa surveys, 55% lang sa atin ang aabot nang isang buwan sa pagtupad ng New Year’s resolutions; 40% lang ang aabot nang anim na buwan; at 19% nang dalawang taon.
New Year’s Day lang ang maituturing na tunay na international holiday. Karamihan ng mga bansa ay gumagamit ng Gregorian calendar, kung saan ang New Year’s Day, o unang araw ng taon, ay Enero 1. Pero ipinatupad ang kalendaryong ito ni Pope Gregory noon lang 1582. Bago nu’n Julian calendar ni Julius Caesar ang gamit sa Uropa, at hanggang ngayon sa ilang Eastern Orthodox religions. Unang araw din ng Julian calendar year ang New Year’s Day, na ngayon ay pumapatak na sa Enero 14 ng Gregorian calendar.
Marso 25, panahon ng Pasko ng Pagkabuhay, dinaraos ng mga sinaunang Kristiyano ang New Year’s Day. Dahil Protestante ang monarkiya ng England, ipinagpa-tuloy nito ang pagdiwang ng New Year’s Day sa Marso 25 hanggang 1753, imbis na bumago sa Gregorian ca-lendar noong 1582.
Birthday ng bawat nilalang ang New Year’s Day, ani Charles Lamb. Kaya mainam na araw ito para simulang magbago. Kung sa Enero 1 makalimutan mo maglista ng New Year resolutions, maaring humabol sa iba’t ibang New Year’s Day ng iba’t ibang kultura o relihiyon. Sa lunar calendar ng mga Tsino, ito’y sa unang araw ng Spring; Pebrero 10 ngayong 2013. Sa Iran ito’y Marso 21; sa Thailand, Abril 1; Alexandrine, Agosto 29, at sa mga Muslim, Nobyembre 3 ngayong 2013.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]
- Latest