^

PSN Opinyon

Manyak si Bosing (Unang Bahagi)

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

ANG lahat nang tao, maging kawani ng gobyerno o nasa pribadong kumpanya ay dapat  alamin at huwag balewalain ang Anti-Sexual Harassment Law (RA 7877) na nagpaparusa sa kawalan ng respeto at mahalagang pagtingin sa karapatan  at dignidad ng mga kababaihan sa kanilang trabaho o opisinang ginagalawan. Ang batas na ito ay naipasa noong Marso 5, 1995 at sangkot sa kasong ito si Bernie.

Kasal na si Bernie at nagtatrabaho sa isang bayan sa norte bilang municipal assessor.  Nagtatrabaho rin doon si Tess bilang senior bookkeeper at sina Margie at Nida naman bilang regular na kawani ng gobyerno.

Noong Pebrero 2009, nagpadala ng sulat si Bernie kay Margie kung saan sinasabi niya na matindi ang pagkakagusto niya sa babae. Nainsulto si Margie at tinakot ang lalaki na ibibigay ang sulat sa misis nito. Pero nagawa ni Bernie na mabawi ang sulat at pinunit. 

Bandang huli, noong Marso 2002 ay nagpadalang muli ng sulat kay Margie ang lalaki. inaambisyon ng lalaki na kunwari ay nag-date na sila at sinabi pa nga na “ang tamis ng halik mo”.

Sa kabilang banda, nag-umpisa naman ang pagkamanyak ni Bernie kay Nida noong Abril 5, 2002, sa isang okasyon ng pagreretiro ng isang kawani. Nagawa ng lalaki na ibulong kay Nida na hangang-hanga siya sa kinis ng kutis nito. Pinisil pa nga niya ng dalawang beses ang dalaga sa pagitan ng kanyang braso at balikat. Matapos ang ilang araw, nakatanggap ng text sa cell phone si Nida galing kay Bernie habang padaan siya sa harap ng kotse ng manyak.  Ang nakasulat sa text ay “pauwi ka na ba sexy?”. Pagkatapos nito, sa pagitan ng Abril 22 hanggang Abril 25, 2002, nakatanggap pa si Nida ng limang text messages galing kay Bernie. Ang nakasulat sa text ay “gusto kita”, “magdate tayo” “huwag kang magsasabi sa iba ng sinabi ko at nakakahiya”, “Puso mo pag binigay mo sa akin magiging napakasaya ko” at “nakatulog ako at nanaginip nang magagandang bagay tungkol sa  iyo”.

Sa kaso naman ni Tess, nag-umpisa ang mga kalo­­kohan nito noong Nobyembre 18, 2000 habang nasa isang field trip sila kasama ng iba pang opisyales at empleyado ng  isang multi-purpose cooperative.  Pumunta sila sa isang resort sa Bulacan at doon ay tinangka ni Bernie na hatakin at halikan si Tess. Mabuti na lang at nakailag at nakatakas si Tess. Bumalik agad siya sa grupo. Pagkatapos noon ay tatlong beses humingi ng dispensa si Bernie sa nangyari.

(Itutuloy)

 

ABRIL

ANTI-SEXUAL HARASSMENT LAW

BERNIE

MARGIE

MARSO

NIDA

NOONG PEBRERO

TESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with