Espesyal na pagdiriwang para sa Father's Day

Kapag sobrang busy tayong mga KasamBuhay, parang ang bilis lang ng araw. Hindi natin namamalayang lumilipas ang oras kapag tambak ng mga deadline, lakad, at school activities. Minsan tuloy, nakakalimutan natin ang mga silent hero ng ating tahanan: ang mga ama, asawa, at father figure.
Kaya, hindi lang basta petsa sa kalendaryo ang Father's Day. Para sa akin, ito'y paalala na huminto saglit at kilalanin ang mga lalaking walang sawang sumusuporta sa atin. Hindi man sila ma-drama o ma-post sa social media, lagi naman silang nariyan, sandigang maaasahan.
Bukod sa mga family bonding, sa dami ng coverages na aking pinupuntahan, marami na ring mga hotel dito sa Metro Manila ang aking nabibisita. Ilan sa mga may pinaka-espesyal na selebrasyon ngayong Father’s Day ay ang Grand Hyatt Manila, Discovery Suites Manila, at New World Makati Hotel. Bawat isa, may kanya-kanyang gimik, pero pare-parehong mula sa puso.
Grand Hyatt Manila: 'Celebrating dad the grand way'

Mahilig ba ang inyong tatay sa magagarang kotse, top-tier dining, at hotel luxury? Hindi kayo mabibigo sa Grand Hyatt Manila. May inihanda silang Dad's Grand Drive package na may overnight stay, breakfast para sa apat na tao, at Lexus test drive – isang kakaibang combo ng rest at lifestyle na siguradong ikatutuwa ng car-loving dad.
Sa The Grand Kitchen, sari-saring pagkain ang mapagpipilian sa Father's Day buffet. Kasama riyan ang premium na Norwegian salmon at Australian beef pies. Makikita n'yo pa kung paanong ihahain ang mga ito sa mga live cooking station. Para naman sa mas espesyal na bonding moments, subukan ang Rabo de Toro ng The Cellar — isang mala-kare-kareng putaheng slow cooked para manuot ang linamnam. Swak ito para sa salu-salo.
Para sa mas intimate na hapunan, may mga curated menu sa No. 8 China House at signature grilled meats sa The Peak mula June 12 hanggang 15. Kung gusto ninyo naman ng open-air dinner, may flame-grilled Wagyu sa Pool House mula June 9 hanggang 15.
May bonus pang wellness treat sa Illume Spa – isang 90-minute magnesium wellness treatment na siguradong makatutulong kay Daddy na mag-recharge mula sa stress ng trabaho at traffic.
Discovery Suites Manila
Para naman sa mga tatay na mas gusto ang tahimik na bonding with the family at pa-hang-out-hang-out lang sa suite, bagay ang staycation sa Discovery Suites Manila. May mga package na P5,000. nett na may kasama nang complimentary breakfast, dining vouchers, at discount sa pagkain at inumin. May libreng haircut voucher pa mula sa Felipe and Sons!

Kumpleto ang Father's Day experience sa Discovery Suites Manila: staycation package na, may kasama ring voucher para magpagupit sa Felipe and Sons. Para ‘di lang relax na relax si Daddy, gwapo pa!
At kung gusto n'yong iparamdam kay Dad na siya talaga ang bida, dalhin na siya sa Prime Time with Dad sa 22 Prime. Isa ang 22 Prime sa personal favorites ko pagdating sa masarap at atalaga namang katakam-takam na steak.
Sa halagang P3,500+ kada tao, mayroon siyang tatlong oras na steak fest: Unlimited USDA ribeye, wagyu hanger, at striploin, kasama ang soup, salad, sides, dessert, at isang complimentary glass of wine. Available ito mula June 13 to 15, para sa tanghalian at hapunan.

Naniniwala ang Discovery Suites na ang feel at home celebration nila ang hinahanap ng kanilang mga suki kung saan ang comfort, space, at indulgence ay pinagsama-sama.
New World Makati Hotel: Panlasang patok kay Papa
Patok naman sa Father's Day buffet ng Café 1228 ng New World Makati Hotel ang mga all-time dad favorite na US prime rib, Texas-style ribs, balbacua, lamb biryani, at syempre, isang buong lechon.
Hindi rin nagpapahuli ang dessert station — may whiskey sour bars, chocolate-coated cigars, at live tiramisu station. P2,800 para sa lunch at P3,300 para sa dinner. May discount pa para sa mga bata.

Kung gusto naman ni Dad ng salu-salong sosyal, puwede siyang i-date sa Jasmine. May unlimited dim sum at curated Cantonese set menus. Kabilang sa mga putahe ang xiao long bao, truffle dumplings, at mga espesyal na ulam na siguradong ikatutuwa ng sinumang mahilig sa Chinese cuisine. May package din sila pang-apatan na nagkakahalagang P9,888 o P12,888, depende sa menu.

Ang isa sa mga highlight ng dessert ay ang Chocolate Fondant Tarte Cake sa The Shop—gawa sa praline, cocoa nibs, at almond cream. Bukod sa masarap, maganda rin itong iregalo. Pwedeng bumili ng buong cake o mini version nito — perfect pang-share pagkatapos ng dinner o pang-surprise kay Dad.
Pagpupugay at pasasalamat
Maaaring hindi kasing-engrande ng ibang okasyon ang Father's Day, pero hindi ibig sabihin na dapat lang itong palampasin. Hindi kailangang magarbo ang pagdiriwang para sa kanila. Pero ang mahalaga, may puso at kahulugan.

Ngayong Hunyo, ipagdiwang natin sila. Hindi sila palaging naibibida, pero palagi silang nariyan. Sa pamamagitan ng masarap na buffet, chill na staycation, o simpleng hapunan na may kasamang kwentuhan, ang mahalaga, ramdam nila ang pagmamahal at pagpapahalaga, na hindi sila nakakaligtaan.
----
I-follow ang aking social media accounts JingCastaneda: Instagram, Facebook, YouTube, Tiktok at X. Ibahagi ang inyong kwento o suhestiyon at reaksiyon sa [email protected].
- Latest