Editoryal - Bilyong piso ang nasayang sa trapik
Malaking pera ang nasasayang sa bansa dahil sa trapik. Ayon kay Transportation Undersecretary Rene Limcauco, noong nakaraang taon, umabot sa P137 billion ang nasayang sa pamahalaan dahil sa grabeng trapik. Ang problemang ito umano ang binibigyang prayoridad ngayon ng gobyernong Aquino kaya pinalalawak at minomodernisa ang railway system sa bansa. Nagsasagawa rin umano ng infrastructure projects. Kapag daw naisakatuparan ang mga proyekto sa railway system, luluwag na ang trapiko at wala nang masasayang na pera sa kaban ng bansa.
Malaking pera ang nasasayang dahil sa trapik. Sana ang nasayang na pera ay nagastos na lang sa mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan kagaya ng pagpapaospital o pagpapagamot. Malaking tulong na sana sa mahihirap ang bilyones na nasayang. Kung noong nakaraang taon ay malaking pera ang nasayang, maaaring ngayong 2012 ay malaki rin. Maaaring nalampasan pa ang P137-billion na nasayang noong nakaraang taon. Sa kasalukuyan, walang pagbabago ang trapik na nararanasan sa EDSA. Ang dating isang oras na biyahe mula Monumento hanggang Pasay ay inaabot ng dalawang oras. Sa Cubao, Quezon City ay walang pagbabago sapagkat maraming bus na nakabalagbag sa gitna. Wala namang kakayahan ang Metro Manila Development Authority (MMDA) na suwetuhin ang mga bus driver. Sa una lamang may paghihigpit ang MMDA at kapag tumagal na, balik sa dating gawi.
Ayon pa kay Usec Limcauco, pinag-aaralan na raw ng kanilang tanggapan ang paglalagay ng dalawang bus terminal sa south at isang bus terminal sa north. Hindi na umano makakapasok sa Metro Manila ang mga bus. Umano’y nasa 8,000 provincial buses ang nagyayaot sa Metro Manila araw-araw. Kapag hindi na nakapasok sa Metro ang mga bus galing probinsiya, luluwag daw ang trapik.
Magandang ideya ito kung maisasakatuparan. Noon pa ay may nagmungkahi na ng ganito pero hindi naman naisagawa. Pawang plano at walang aksiyon. Ang kawalan ng aksiyon ang nagpapasama sa problema ng trapiko.
Isa sa mga dapat gawin para lumuwag ang trapik ay ang paghuli sa mga colorum na bus. Mas marami umano ang colorum na bus kaysa sa mga tunay na may prankisa. Kung mawawalis sa EDSA at iba pang pangunahing lansangan ang mga colorum, luluwag ang trapik. At wala nang masasayang na bilyones. Editoryal Bilyong piso ang
Nasayang sa trapik
Malaking pera ang nasasayang sa bansa dahil sa trapik. Ayon kay Transportation Undersecretary Rene Limcauco, noong nakaraang taon, umabot sa P137 billion ang nasayang sa pamahalaan dahil sa grabeng trapik. Ang problemang ito umano ang binibigyang prayoridad ngayon ng gobyernong Aquino kaya pinalalawak at minomodernisa ang railway system sa bansa. Nagsasagawa rin umano ng infrastructure projects. Kapag daw naisakatuparan ang mga proyekto sa railway system, luluwag na ang trapiko at wala nang masasayang na pera sa kaban ng bansa.
Malaking pera ang nasasayang dahil sa trapik. Sana ang nasayang na pera ay nagastos na lang sa mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan kagaya ng pagpapaospital o pagpapagamot. Malaking tulong na sana sa mahihirap ang bilyones na nasayang. Kung noong nakaraang taon ay malaking pera ang nasayang, maaaring ngayong 2012 ay malaki rin. Maaaring nalampasan pa ang P137-billion na nasayang noong nakaraang taon. Sa kasalukuyan, walang pagbabago ang trapik na nararanasan sa EDSA. Ang dating isang oras na biyahe mula Monumento hanggang Pasay ay inaabot ng dalawang oras. Sa Cubao, Quezon City ay walang pagbabago sapagkat maraming bus na nakabalagbag sa gitna. Wala namang kakayahan ang Metro Manila Development Authority (MMDA) na suwetuhin ang mga bus driver. Sa una lamang may paghihigpit ang MMDA at kapag tumagal na, balik sa dating gawi.
Ayon pa kay Usec Limcauco, pinag-aaralan na raw ng kanilang tanggapan ang paglalagay ng dalawang bus terminal sa south at isang bus terminal sa north. Hindi na umano makakapasok sa Metro Manila ang mga bus. Umano’y nasa 8,000 provincial buses ang nagyayaot sa Metro Manila araw-araw. Kapag hindi na nakapasok sa Metro ang mga bus galing probinsiya, luluwag daw ang trapik.
Magandang ideya ito kung maisasakatuparan. Noon pa ay may nagmungkahi na ng ganito pero hindi naman naisagawa. Pawang plano at walang aksiyon. Ang kawalan ng aksiyon ang nagpapasama sa problema ng trapiko.
Isa sa mga dapat gawin para lumuwag ang trapik ay ang paghuli sa mga colorum na bus. Mas marami umano ang colorum na bus kaysa sa mga tunay na may prankisa. Kung mawawalis sa EDSA at iba pang pangunahing lansangan ang mga colorum, luluwag ang trapik. At wala nang masasayang na bilyones.
- Latest
- Trending