^

PSN Opinyon

Open season sa kampanya

- Al G. Pedroche - The Philippine Star

 KAHIT ang Commission on  Elections (Comelec) ay naniniwalang libre na ang mga politiko para mangampanya nang hindi makakasuhan ng electioneering.

Sabagay matagal na nating nakikita ang mga tarpaulin posters ng mga politiko na  ikinakabit ang kanilang mga malalaking retrato maging sa pagbati nila ng “happy fiesta” o ano mang okasyon. Wika nga “disimuladong halata.” Ha? Meron bang ganun? Meron nga eh! Masyadong obyus pero hindi mapigil ang mga naglipanang posters kahit wala pang eleksyon. Wala naman kasing sinasabing “Iboto ako.”

Tuwing eleksyon naman ay nangyayari ito. Sinasadya ng mga kandidato na huwag munang mag-file ng kanilang certificate of candidacy nang sa gayon ay hindi sila makasuhan ng electioneering kahit lumantad sila sa mga panayam sa telebisyon at radyo o ipaskel sa mga pader ang kanilang larawan.

Sabi nga ni Comelec Commissioner Rene Sarmiento, tayo ngayon ay nasa “open season for premature campaigning.” Aniya dapat itong ma-regulate. Pero papaano? Anong batas ang gagamitin?

Mainam sana itong Anti-Epal Bill na isinusulong ni Sen. Miriam Santiago na nagbabawal sa sinumang opisyal o politiko na ipaskel ang kanilang mga larawan at pangalan sa mga proyektong ginagawa ng pamahalaan.

Hindi lang diyan dapat ibawal ang pagpapaskel ng larawan kundi pati sa mga posters na bumabati lamang ng “happy fiesta” o “Merry Christmas” at iba pang okasyon na sinasakyan ng mga ma-epal na politiko.

Diyan na naman pumapasok ang disparity ng mga mayayaman at dahop na kandidato. Kasi mas lamang ka kung may pera kang pambili ng mga ikakalat na tarpaulins samantalang talo ka kahit karapatdapat kang kandidato kung hindi mo kayang tapatan ang kanilang ginagastos.

Isa pa, nakababahala na baka mapabayaan ng mga halal na opisyal ang mga trabahong dapat tutukan kung magpapakaabala sa maagang pangangam­panya.

ANIYA

ANONG

ANTI-EPAL BILL

COMELEC

COMELEC COMMISSIONER RENE SARMIENTO

DIYAN

MERON

MERRY CHRISTMAS

MIRIAM SANTIAGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with