^

PSN Opinyon

'Paano maiiwasan ang colon cancer?'

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. - The Philippine Star

Dear Dr. Elicaño, alam ko po na mahusay kang cancer specialist. Maaari po bang talakayin mo ang tungkol sa colon cancer? Ano po ba ang cancer na ito ? Ano po ang dapat gawin para maiwasan ito? Salamat po. — Nora M. Villafranca, Makiling St. Sampaloc, Manila

Ito ay cancer sa malaking bituka. Kapag sinabing may cancer sa malaking bituka, apektado ang bowel movement o pagdumi. Malaki ang kaugnayan nito sa pagdumi. Kung hindi regular ang pagdumi o kaya’y nagbago ang tinatawag na bowel flora, nagpo-produce ito ng carcinogens sa ingested foods. Ang carcinogens ay cancer-causing substance or agent.

Sa pag-aaral, natuklasan na ang mga taong may mala-king bowel polyps ay malaki ang panganib na magkaroon ng colon cancer.

Nade-detect ang cancer sa colon sa pamamagitan ng proctosimoidoscopy at colonoscopy. Ito ay ang paggamit ng fiber optics. Isang paraan din ay ang paggamit ng doublke contrast barium enema x-ray. Ang pagsusuri sa dugo na tinatawag na Carcino-embryonicantigen ay malaki rin ang naitutulong para madetect ang cancer sa colon.

Sa pagsasaliksik na ginawa sa Roosevelt Hospital sa New York City, isang cholesterol lowering medication ang natuklasang maaaring makatulong para ma­bawasan ang panganib sa pagkakaroon ng colon cancer. Ito ay ang pagko-combine ng aspirin at lovastatin na napatunayang nababawasan ng 86 percent ang panga­nib sa colon cancer.

Maiiwasan ang colon cancer kung ang diet ay maraming fibers sapagkat nakatutulong ito sa regular na pagdumi. Kumain din ng mga sariwang gulay, prutas at karne.

ANO

CANCER

CARCINO

COLON

DR. ELICA

MAKILING ST. SAMPALOC

NEW YORK CITY

NORA M

ROOSEVELT HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with