^

PSN Opinyon

Kung talagang seryoso ang bansa.

K KA LANG? - Korina Sanchez - The Philippine Star

MUKHANG bigo na naman ang Pilipinas na makakuha ng medalya sa Summer Olympic Games na ginaganap sa London. Habang sinusulat ang kolum na ito, bigo na ang ating mga atleta sa swimming at weightlifting. Ang natitira na lang ay ang ating archers at skeet shooter na lalaban ngayon. Si Hidilyn Diaz, sinasabing pinaka-malaking pag-asa para sa medalya ay hindi nakayang buhatin ang bigat kaya hindi nakausad sa kanyang grupo. Ganun pa man, maganda ang kanyang naging pangkalahatang performance, kaya ipinagmamalaki natin siya at lahat ng atleta natin na nasa London ngayon!

Pero kung talagang seryoso tayong makakuha ng gintong medalya na hindi pa nakakamit ng Pilipinas kailanman, dapat pagandahin nang husto ang ating mga programa para sa sports. Sabihin na natin, pondo ang kinakailangan. Sa tingin ko hindi naman tayo nagkukulang sa determinasyon ng ating mga atleta. Maraming mga Pilipino ang gustong makamit ang gintong medalya para sa bansa, may pabuya man o wala. Nagkukulang tayo sa suporta. 

Halimbawa sa shooting. Nasa kultura ng Pilipino ang mahilig sa baril. Bakit hindi ito gamitin nang husto? Nang mabasa ko na ang unang gintong medalya ng Olympics ay napunta sa isang babaing air rifle shooter na taga-China, tinanong ko sa sarili ko kung bakit hindi tayo makalaban sa paligsahang ito? Tinanong ko ang aking mga kaibigan, at ang sabi nila ay napakamahal ng baril na ginagamit sa ganyang klaseng paligsahan. Ayun ang sagot, o ang dahilan! Kung may suporta mula sa gobyerno at pribadong sektor para mag-sponsor sa isang magaling na shooter, sa tingin ko may laban tayo sa Olympics. Mabibili ang baril, at mabibili ang libong bala na kakailanganin para makapag-ensayo nang husto. Mababayaran na rin ang coach na magtuturo at maggagabay sa shooter. Lalaki man o babae. At dapat walang pulitika kahit saan!

Apat na taon na naman bago ang sunod na Olympics. Tulad ng sinabi ko, kung talagang seryoso ang bansa makakuha ng gintong medalya, magagawa ito. Suporta, tunay na suporta na walang kapalit na kahit ano, makukuha ang mailap na gintong medalyang iyan!

vuukle comment

APAT

AYUN

BAKIT

GANUN

HABANG

HALIMBAWA

PILIPINAS

PILIPINO

SI HIDILYN DIAZ

SUMMER OLYMPIC GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with