^

PSN Opinyon

Thoughts on the JBC

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - The Philippine Star

KAHAPON ay tinanghal ang makasaysayan at kauna-unahang televised at recorded interviews ng Judicial and Bar Council para sa bakanteng posisyon ng Punong Mahistrado. Umpisa pa lang ay explosive na ang mga interview sa pangu­nguna ni PCGG Chairman at FEU Law Dean Andres Bautista. Sa ilalim daw ng 1987 Constitution ay naging masyadong agresibo ang Korte. Ayon kay Dean Andy ay dapat daw nitong rendahan ang sariling kapangyarihan. 

Nakilahok si Atty. Mike Musngi ng Office of the President bilang kapalit ni Ex-oficio member Secretary of Justice Leila de Lima. Problematic ang substitution na ito dahil mismong ang Secretary of Justice ang pinangalan ng Saligang Batas na JBC member. Para sa akin ay ok lang na i-substitute ng presidente si Secretary De Lima basta hindi ito ang iboboto ng kanyang kapalit. Dahil kung ganoon din ang mangyayari, bakit nag-excuse pa si De Lima? Kenkoy na delicadeza.

Sa pitong miyembro ng JBC, apat ang malinaw ang kiling sa mga aplikanteng mahistrado: Ang Chief Justice na pre­siding officer, ang retired Supreme Court Justice, ang kinatawan ng Integrated Bar of the Philippines, at ang Professor of Law. Dahil lahat sila’y abogado na kahit papaano’y napapailalim sa kapangyarihan ng Supreme Court, matimbang siyempre ang kandidatura ng incumbent Justices.

Sa tatlong naiwang miyembro, abogado rin ang Secretary of Justice subalit dahil tao ito ng presidente ay boboto ito ayon sa instruction ng kanyang Boss. Ang natitira ay ang miyembro ng Kongreso at ang kinatawan ng private sector. Walang requirement na abogado rin ang dalawa subalit sa kasaysayan ay laging abogado rin ang mga humawak ng puwestong ito.

Tinanggal sa Commission on Appointments ang kapangyarihang makibahagi sa appointment process ng mga huwes dahil masyado raw itong naging pulitikal. Sa gaganaping pagpili ni P-Noy ng kanyang Chief Justice, sana ay sa umpisa pa

lang maipamalas na niya ang respeto sa proseso ng JBC at hayaan itong umandar nang walang impluwensya. Sa ganitong paraan ay sigurado tayong makakakuha siya ng isang Chief Justice na loyal din sa proseso at hindi sa pulitiko.

ANG CHIEF JUSTICE

CHIEF JUSTICE

DAHIL

DE LIMA

DEAN ANDY

INTEGRATED BAR OF THE PHILIPPINES

JUDICIAL AND BAR COUNCIL

JUSTICE

LAW DEAN ANDRES BAUTISTA

SECRETARY OF JUSTICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with