Tulungan ni Binay ang nasagasaan ng kanyang drayber
MUKHANG hindi sapat ang tulong na ipinagkakaloob ni Makati mayor Jojemar Erwin Binay sa mag-amang Rolando at Joshua Danao matapos masagasaan at takbuhan ng kanyang personal drayber na si Eduardo Herrera. Ayon sa aking mga kausap sa Manila Police District, dapat panagutan ni Herrera ang krimeng nagawa matapos na mapatunayang lango ito sa alak nang maganap ang aksidente. Matapos makasagasa agad nagtungo kina Binay sa Bgy. Palanan, Makati? Ipinakikita kaya niya na kapag nasa bakuran na siya ng kanyang amo ay maititiklop na ang kaso laban sa kanya?
Mitsubishi Adventure na may plakang WSW-194 mula sa crime scene pa
Mukhang nagkamali yata siya ng sapantaha dahil pagnagkataon masisira ang pangarap ng kanyang da-ting amo na si Vice President Jejomar Binay na maging presidente. Sa ngayon, naghihimas ng rehas sa MPD Traffic Management Bureau sa Atlanta street, Port Area, Manila si Herrera. Nais ng mga kausap ko na ipakita ni Vice President Binay na wala siyang kinikilingan. Kasi nga kilala ang Makati City na implementor ng Traffic Rules and Regulation mula nang pamunuan ito ni Binay. Sa pangyayaring ito, dapat ipakita ni VP Binay at Makati mayor Jonjon Binay ang malayang proseso ng batas na ipapataw ng Manila.
Nawala ang pangarap ng 14-anyos na estudyante nang masagasaan sa Osmeña Highway kasama ang ama na nakaratay pa ngayon sa ospital. Bukod sa nag-betting the red lights si Herrera nakaladkad pa ng may 50 metro ng minamanehong Mitsubishi Adventure (plate no. WSW-194) ang mag-ama. Hindi man lang nilingon ni Herrera ang kanyang nasagasaan.
Lumalabas sa imbestigasyon na nagpakalasing si Herrera at ilang kasamahan sa masaganang advance na pa-beer-day este pa-birthday celebration ni Mayor Jonjon Binay. At ang kapuna-puna kahit na off duty na si Herrera at lango na sa alak ay nagagamit pa ang kanyang SUV sa paglalakbay. Maging ang kanyang service firearms ay dala-dala nito. Dapat tulungan ni Binay ang napirwesyo ni Herrera. Hayaan na niya si Herrera na makulong para hindi na pamarisan ng iba pang alalay ng mga pulitiko.
Abangan!
- Latest
- Trending