^

PSN Opinyon

Itapon mo pati malalaki sa PNP, Sec. Robredo!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - The Philippine Star

NASA Basilan na sina PO2 Joselito Aguas at PO1 William Cajayon. Sina Aguas at Cajayon ay ginagamit ang pangalan ni DILG Sec. Jessie Robredo at iba pang opisyales ng pamahalaan para mangolekta ng tong sa mga gambling lords at karaoke bar at nightclub owners sa Metro Manila. Itinapon sila ni Robredo sa Basilan para hindi na pamarisan. Ayon kay Robredo, maraming text messages at iba pang klaseng sumbong ang kanyang natatanggap tungkol sa tong collection activities sina Aguas at Cajayon kaya dapat lang na kalusin na sila. Kung masaya sina Aguas at Cajayon nitong nagdaang mga araw dahil sa limpak-limpak na salapi na nakulimbat nila, tiyak malungkot sila ngayon dahil malayo sila sa kani-kanilang pamilya.

Inutusan din ni Robredo si PNP chief Dir. Gen. Nicanor Bartolome na siguraduhing nagrereport sina Aguas at Cajayon sa Basilan. At kailangan mag-undergo rin sila ng moral values recovery training. Noong panahon ni Sen. Ping Lacson bilang PNP chief, marami rin siyang itinapon na tong collectors sa Mindanao. Pero imbes na maging malungkot naging happy pa sila. Kasi nga hindi naman nagrereport ang mga pulis sa Mindanao at nandito lang sila sa Metro Manila dahil binabayaran nila ang superiors nila. Kung hindi tututukan ni Robredo sina Aguas at Cajayon, tiyak magbabayad din sila sa mga opisyales ng Basilan PNP para hindi na sila hahanapin pa. At me posibilidad na sila pa rin ang mag-iikot para sa kani-kanilang amo tulad ni Major Daniel, hepe ng South Field Office ng CIDG.

Kung sabagay, hindi magiging parehas si Robredo kung ang mga maliliit lang sa PNP ang kaya niyang itapon. Dapat isama na niya si Major Daniel at iba pang mga matataas ng opis-yales ng CIDG at NCRPO para maniwala ang sambayanan na seryoso siyang linisin ang hanay ng PNP ng mga corrupt at scalawags. Kung natanggal man sina Aguas at Caja-yon, tiyak me papalit din sa kanila. Habang mainit kasi ang balita na sinibak sina Aguas at Cajayon, naglalaway naman mga tong collectors na sina Molly Acuna, Ver Navarro, Jerry Salacot, mga alyas Nardo at Arthur at iba pa.

Itong si Molly Acuna ay umamin noon na kinokolekta niya ang lingguhang intelihensiya sina NCRPO chief Dir. Alan Purisima, at Intelligence Group director Chief Supt. Charles Calima? Aba, ano ang nangyari sa imbestigasyon ni Robredo laban sa kanya? Si Navarro naman ay nag-AWOL matapos ipahanting ni Robredo. Balik sirkulasyon din siya. Mukhang sarsuwela lang ang mga kautusan ni Robredo. Abangan!

vuukle comment

AGUAS

BASILAN

CAJAYON

MAJOR DANIEL

METRO MANILA

MOLLY ACUNA

ROBREDO

SILA

SINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with