^

PSN Opinyon

"Apoy sa dagat" (unang bahagi)

- Tony Calvento - The Philippine Star

TUNOG NG ALON na humahampas sa pampang naninikip na agad ang kanyang dibdib… napupuno ng luha ang kanyang mga mata…at paulit-ulit na nababasag ang kanyang tiwala sa sarili.

Umaasa, nangangarap si Raul ‘Bong’ Bangui, 51 taong gulang, dating OFW, nakatira sa Makati City nang magtungo sa aming tanggapan.

Mabigat ang kanyang pasanin ukol sa ka ‘live-in’ niyang si Donnabie ‘Bem’ Fabila, 26 taong gulang at tubong Antique.

Ika-6 ng Marso 2005 nang nagkakilala sila. Kauuwi lang ni Bong galing UAE at dumalaw naman si Bem sa mga magulang ni Bong dahil dati siyang katulong ng mga ito.

“Nung una ko siyang makita nagustuhan ko siya. Dati kasi sa telepono ko lang siya nakakausap kapag tinatawagan ko sina Mama,” kwento ni Bong.

Agad niyang kinuha ang numero nito at naging magka-text sila. Kinabukasan March 7, 2005 ay ang birthday ni Bong, inaya niyang lumabas si Bem. “Nanood muna kami ng sine tapos nag check-in kami agad sa motel,” sabi ni Bong.

Sa silid na yun naganap ang kanilang ligawan. Maliliit na halik mula sa noo hanggang leeg ang ikinintal ni Bong. Sumagot naman ng mahigpit na yakap itong si Bem. Gumagapang ang mga kamay ni Bong sa katawan ni Bem.

Nang wala na silang mga saplot maingat na dumagan si Bong. Wala nang kahit na anong salita, tanging ang tunog na lamang ng kama ang maririnig at ang naghahabol nilang mga hininga. Matapos ng kanilang pagtatalik ay magkayakap silang natulog.

Sabik si Bong sa isang Pilipinang talagang gusto niyang makasama at si Bem naman ay ilang taon nang hiwalay sa asawa.

“Naging kami na agad nun. Madalas na siyang nagpupunta sa bahay namin. Tutol ang mga magulang ko dahil katulong lang siya,” wika ni Bong.

Mahigit isang buwan lang ang bakasyon ni Bong dito sa Pilipinas. Kahit nasa ibang bansa na siya ay hindi niya kinakalimutang itext o tawagan ang girlfriend sa Pilipinas.

Ilang taon silang nagtiis sa ganung sitwasyon. Hanggang sa magkasundo sila na pag-uwi ni Bong ay bubuo na sila ng sariling pamilya.

“Tumatanda na din kasi ako nun. Nasa 40’s na ako kaya gusto ko ng magpamilya,” sabi ni Bong.

Nang mabuntis na si Bem ay nagpapadala na siya ng sustento. Pinatigil niya ito sa pagpasok bilang katulong at pinaghandaan nila ang panganganak nito.

“Tumawag ako nung nanganak siya. Kailangan ko pa ka-sing magtrabaho para naman may magamit kaming pera kapag nagsama na kami,” wika ni Bong.

May nabiling motor si Bem gamit ang perang ipinadadala ni Bong. Ginagamit nila ito bilang service dahil malayo sila sa bayan. Pati ang kapatid ni Bem ay pinaaral ni Bong. Ganun pa rin ang sitwasyon nila, pauwi-uwi lang itong si Bong.

Oktubre 2008 nang dalhin ni Bong ang kanyang mag-ina sa bahay nila sa Makati. Ilang buwan silang tumira dun. Nang bumalik sa abroad si Bong ay nalaman niyang umuwi na ng Antique ang kanyang mag-ina dahil hindi ito nakakasundo ng kapatid na babae.

Taong 2011 nang mapagpasyahan ni Bong na magretiro. Nagsama na sila ni Bem. Dun sila tumira sa Antique, sa bahay ng mga magulang ni Bem. Dalawa na ang anak nila.

“Bumili ako ng mga gamit namin. Pinaayos ko din yung bahay kasi nga makikitira kami dun. Pati mga hayop na mapagkakakitaan bumili din ako,” kwento ni Bong.

$7,500 ang nakuhang ‘retirement pay’ ni Bong.

“Sabi ko kay Bem papalitan niya tapos yun pala inihulog niya sa sarili niyang account,” kwento ni Bong.

Hindi na lang nagtanong si Bong nang malaman niya ang ginawa ni Bem. Naisip niya kasing baka sa mga anak niya lang din mapunta ang pera.

“Yung mga naipon ko yun muna yung ginamit ko panggastos para sa mga pangangailangan namin,” wika ni Bong.

Dumadalaw sa kanyang ina si Bong sa Makati. Isinasama niya si Bem pero ayaw nito. Lagi nitong idinadahilan na hindi boto sa kanya ang pamilya ni Bong.

Pinag-uugatan ng away ang pagdalaw ni Bong at pamimilit na sumama si Bem sa bahay nila sa Maynila.

“Magulo ang pamilya ninyo! Mga lasenggo!” lagi umanong sinasabi ni Bem sa kanya.

“Hindi sila ang dapat mong problemahin at isipin. Ang dapat mong alalahanin ay yung mga anak natin,” sagot ni Bong.

“Mamumuti na ang mga mata mo hindi ako susunod sa Makati,” sagot ni Bem.

Dahil sa naging away nilang yun ay agad na umuwi ng Antique si Bong. Pagkarating niya sa bahay ng biyenan ay nasilip niyang may ka-text si Bem at nakangiti pa ‘to. Kumatok siya at nang makapasok ay tinangka niyang makipag-usap kay Bem.

“Umalis ka dito! Ayaw kitang katabi!” paasik na sabi ni Bem.

“Mag-usap tayo. Ayusin natin ‘to,” pagmamakaawa ni Bong. Lumuhod pa siya para mapakitang seryoso siyang ayusin ang kanilang relasyon.

Maraming masasakit na salita ang sinabi ni Bem kay Bong tulad ng “Matanda ka na! Wala ng magmamahal sa ‘yo.”

Ilang pagtatalo pa ang nangyari hanggang sa dumating sila sa punto para magkasakitan. Itinulak ni Bem si Bong, nahampas naman ng unan ni Bong si Bem. Sinipa ni Bem sa likod itong si Bong at yun ang naging dahilan para suntukin niya ito sa pwet.

“Ngayon binigyan mo ako ng dahilan para hiwalayan ka. Hindi na kita mahal!” sabi sa kanya ni Bem.

Mula nga ng araw na yun ay hindi na sila nagkausap ng maayos. Ilang ulit sinubukan ni Bong na ayusin ang kanilang naging away ngunit nagmamatigas umano si Bem.

Lumapit sa aming tanggapan si Bong dahil gusto niyang ma-kuha ang kanyang mga anak. Nalaman niya umano na hindi na madalas umuwi si Bem sa bahay at napapabayaan ang kanyang mga anak. Maging ang mga pinsan ni Bem at kaibigan ay sinasabing pumapayat na ang mga bata.

“Ang gusto ko na lang ngayon makuha ang mga anak ko dahil narinig kong may balak siyang mag-abroad,” wika ni Bong.

PARA SA PATAS NA PAMAMAHAYAG ay tinawagan namin si Bem para makuha ang kanyang panig. “Hindi ko naman inaalis ang karapatan niya bilang ama ng mga bata. Pero wala na talagang maaayos kung tungkol sa amin ang pag-uusapan. Mahal na mahal ko yan pero sinaktan niya ‘ko,” sabi ni Bem.

Payag siyang bumisita lang si Bong sa kanila sa probinsya pero hindi na sila maaring magsama. Minsan na niya sinabi dito na, “Para kang suka na di ko na kayang kainin.”

Lubhang nasaktan itong si Bong at nagdesisyon na ibulgar ang pagkakaroon ng lalake nitong si Bem. Pinangalanan niya ang maaring tumestigo.

Siya si Roselyn Duaso kababata ni Bem. Nakapanayam namin siya at idinetalye ang pantotorotot nitong si Bem kay Bong.

Abangan EKSKLUSIBO sa ‘CALVENTO FILES  sa ‘PSNGAYON’ sa MIYERKULES ang karugtong ng istoryang ito.  (KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)

Sa gustong dumulog sa aming tanggapan, ang aming mga numero, 09213263166 o 09198972854. Ang landline 6387285 at ang 24/7 hotline 7104038 o magpunta sa 5th floor CityState Center bld sg., Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Biyernes.

* * *

EMAIL: [email protected]

Follow us on twitter: [email protected]

BEM

BONG

ILANG

NANG

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with