^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Binubuhay na naman ang national ID system

-

ANG mga Pinoy daw ang may pinaka-maraming ID sa mundo — may SSS, GSIS, Pag-IBIG, driver’s license, passport, PhilHealth, at kung anu-ano pa. At sa kabila na maraming ID, gusto pa itong dagdagan ng National ID. Ang National ID ay noon pa isinusulong ng House of Representatives pero marami ang bumatikos at lantarang tumutol sapagkat maaaring labagin ang karapatan ng mamamayan. Kung magkakaroon ng national ID maaaring mahalukay ang pagkatao ng isang indibidwal. Maaaring panghimasukan ang sinuman sapagkat nakasaad na sa ID ang mga mahahalagang inpormasyon.

Ngayon ay binubuhay na naman ang ID system at tila wala nang makapipigil sa mga nagsusulong nito. Ang Philippine National Police (PNP) ay sinusuportahan ang pag-revive sa ID system sapagkat makakatulong daw ito para madaling matunton o makilala ang mga gumawa ng krimen. Ayon sa PNP, masi-simplify ang pag-iisyu ng police clearance kung mayroong national ID.

Isa pa raw kabutihan ng pagkakaroon ng national ID ay ang madaling transaksiyon ng mamamayan sa gobyerno at tiyak din namang mawawala ang red tape o mga anomalya. Simpleng click lang daw sa mouse ng computer ay madali nang makikilala ang indibidwal. Iglap lang ay agad nang malulutas ang anumang problema sapagkat pagsasama-samahin sa national ID ang lahat nang mahahalagang inpormasyon.

Kumbaga sa instant coffee, 3-in-1 kung magkakaroon ng national ID. Nasa isang ID ang lahat nang mahahalagang datos ng isang Pinoy. Pero gaano naman kasigurado na ang national ID ay hindi mapepeke. Kung maaaprubahan ang ID, tiyak bang hindi ito masisira kaagad. Baka mag-iisyu ng ID ang gobyerno pero madali namang mabura o mawala ang nakaimprentang pangalan. Hindi kaya masira ang pagkaka-laminate kagaya ng mga iniisyung ID ngayon.

Baka gagastos lamang nang malaki ang pamahalaan at sa dakong huli ay mababalewala lang. Dapat pag-isipan ang pagbuhay sa national ID system. Baka nabibigla lamang ang mga nagsusulong nito. Hindi ito dapat iprayoridad. Mas mahalaga ang kabuhayan ng mamamayan kaysa ID na pagkikilanlan.

vuukle comment

ANG NATIONAL

ANG PHILIPPINE NATIONAL POLICE

AYON

DAPAT

HOUSE OF REPRESENTATIVES

IGLAP

ISA

KUMBAGA

MAAARING

NATIONAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with