Jeano Anne Munar
BIRTHDAY sa Tuesday ni Jeano kaya naman masaya na ito sa kanyang gagawin party.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, busy as in busy na ang Mommy ni Jeano sa guest list at handaan umaatikabo mga litson baboy, pansit, kare-kare, cakes, litson baka at lahat ng alam ninyong special na kakainin ay nandito na kaya naman huwag na huwag ninyong kakalimutan ang special day na ito para sa kanya mahal na panganay.
Iniimbitahan lahat ang mga kaibigan, kamag-anak, office mates at iba pang nakakakilala kay Jeano sa kanyang party na gagawin sa Forest Grill resto.
Ang lahat ng invited ay huwag kalimutan na magdala ng birthday gift kay Jeano.
Sabi nga, see you all !
Red tide
MAG-ingat ang madlang public sa pagnguya este mali pagkain pala ng mga shellfish meat like talaba, tahong, and halaan na galing sa 5 provinces ng Philippines my Philippines.
Why?
Sagot - mataas pa rin sa lason ng red tide!
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga provinces tulad ng Dumanguillas bay sa Zamboanga del Sur, Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte, Misamis Occidental gayundin sa Bataan Coastal waters na sakop ng mga bayan ng Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Orani, Abucay at Samal kasama din ang Matarinao bay sa Eastern Samar ay dehins muna kayo advisable na tsumibog ng shell meat para dehins kaya mapahamak, ma-ospital o kung mamalasin ay baka pa kayo matigok.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ito lang naman mga shell meat ang pansamantalang pinagbabawal na tsibugin pero ang ibang laman dagat tulad ng mga serena at siokoy este mali pusit, crabs at mga fish ay puedeng - puede lamunin at safe ito pero ang tagubilin lang ng mga kuwago ay linisin ito mabuti at tanggalin ang mga bituka bago i-cook at sabsabin.
Sa pangyayaring bawal muna tsibugin ang mga shell meat dapat kumilos ang pamahalaan sa mga nabanggit na provinces para naman mabantayan ninyo pansamantala ang mga makukulit ninyong mga constituent na kakain o maglalakas loob na lunukin ang mga shell meat na may red tide.
Sabi nga, huwag makulit!
Ika nga, para sa sarili ninyo proteksyon ang paalala ng mga kuwago ng ORA MISMO.
Sabi nga, be careful!
APD vs. mga kamote sa NAIA
GINAWANG tambayan ng mga gagong kriminal tulad ng salisi gang, mandurukot at iba pang kriminal ang Ninoy Aquino International Airport kamakailan.
Kaya naman marami din sila nabiktima todits na mga incoming passenger sa mga terminal ng NAIA.
Nag-iiyakan hindi lang mga pinoy na dumarating kundi pati mga banyaga na turista ay hindi pinatawad ng mga animal na ito.
Kaya naman kumilos ang Airport Police Department sa mga reklamo ng mga victim sa airport laban sa mga kamoteng kriminal.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MIMSO, hindi nagtagal ang ginawang pahirap ng mga kamote sa airport dahil isa-isa silang nahulog sa lambat ng mga tauhan ng Airport Police Department kaya puro kaso ang inabot nila sa Pasay City Prosecutor’s Office.
Malaki ang pasasalamat ng ilang nabiktima ng masoli sa kanila ang mga ninakaw ng mga lintek kaya naman palakpakan sila ng makita nila ang mga kriminal na naghihimas ng rehas sa ngayon.
Sabi nga, hurrah, hurrah, hurrah!
Ang lahat ng mga gago sa may bisinidad ng paliparan ay isa-isa na rin tumigil ng bulabugin sila ng grupo ng APD at natutuwa naman ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa mga ito dahil ang mga kamote ay buhay na buhay at hindi pa nakuha ni Lord.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung may balak pa ang mga kriminal sa airport na mambiktima ng mga balikbayan at turista sana huwag na nila dito gawin pa dahil may paglalagyan na kayo mga kamote.
Sabi nga, baka masungit kayo ni Kamatayan!
Abangan.
- Latest
- Trending



















