^

PSN Opinyon

Shoot to kill sa dalawang pulis

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

NABANAS si Mayor Alfredo Lim sa sunud-sunod na kabulastugan ng pulis sa MPD kaya ipinag-utos niya kay MPD director Chief Supt. Alejandro Gutierrez ang “shoot to kill order” kina PO1 Fulgencio Sideco at PO2 Rommel Fortuno. Hindi kasi basta-basta pipitsuging pulis sina Sideco at Fortuno. Ayon kay Lim si Sideco ay kilalang drug addict na armado ng M-16 at short firearm kaya may posibilidad na lumaban ito sa mga aaresto sa kanya. Ang huling biktima ni Sideco ay si Danilo Serrano, 63, mekaniko at dalawang bystanders sa lugawan sa Lacson at Romana Sts., Tondo, Manila noong Abril 7. Triger happy si Sideco. Binati lamang siya ni Serrano pero pinaulanan ng bala. Kargado sa droga si Sideco kaya minasama niya ang pagkaway at pagbati sa kanya.

Si Fortuno naman ay pinagbabaril ang kapwa pulis na si SPO1 Rodrigo Cortez, miyembro ng PNP Highway Patrol Group na naka-assigned sa Camp Crame. Nahuli umano ni Fortuno na akay-akay ni Cortez ang kanyang dating bebotski sa Tayuman St., Sta Cruz, Manila noong gabi ng Pebrero 9. Susmaryusep! Hindi matanggap ni Fortuno na naagaw ng iba ang kanyang kinahuhumali-ngang bebotski kaya pinatay niya si Cortez.

Si Sideco ay nakapag-piyansa sa kasong indis-cremi­nate firing at pansamantalang nasa holding status sa NCRPO. Si Fortuno naman ay AWOL sa Caloocan Police.

May ilang beses nang pinagtanggol ni Lim ang mga pulis ng MPD. Tulad ng hostage taking sa Quirino Grand­stand noong October 23, 2010. Dugong pulis ang nanalaytay sa ugat ni Lim dahil nagsimula siya sa kalye bilang patrolman hanggang sa maging hepe ng Western Police District. Ngunit ngayon nagbago ang pananaw ni Lim sa ilang pulis na sumisira sa imahe ng Philippine National Police.

Sasalain na ngayon ng MPD Aca-demy ang mga application ng nanga-ngarap maging pulis ng Maynila.

Saludo ako sa kautusan mo, Mayor Lim. Ito ang tamang paraan para matigil na ang pagpasok ng mga sang­gano at mamamatay tao sa Manila’s Finest.

Abangan!

vuukle comment

ALEJANDRO GUTIERREZ

CALOOCAN POLICE

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

DANILO SERRANO

FORTUNO

FULGENCIO SIDECO

HIGHWAY PATROL GROUP

SI FORTUNO

SIDECO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with