^

PSN Opinyon

Mga kriminal malayang nakakalusot

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

SA kabila ng todo-tudong paghahanda ng Philippine National Police (PNP) sa paggunita ng Semana Santa, lulugo-lugo ang mga ito matapos na malusutan ng mga Riding-in-Tandem sa mataong lugar sa Quezon City kamakalawa ng umaga. Matagumpay kasing naitakas ng mga kawatan ang P2 milyon ng Sanry’s Money Changer Shop ng tambangan at pagbabarilin nito ang Sekyu sa bisinidad mismo ng Robinsons Galleria Shopping Mall. Isa ang naiulat na namatay at mahigit sa anim katao ang nasugatan matapos na maghagis ng Atis, este, Granada ang mga kawatan nang papatakas na ang mga ito. Maging ang isang katerbang sekyu ng Galleria Mall ay walang binisa. Syempre, sino pa ang sisisihin sa pangyayari, ’di ba walang iba kung di ang kapulisan? Nasaan ang mga kapulisan na nagbibigay proteksyon sa naturang Mall? Naubos kaya nang ma-assigned sa mga Pantalan, Bus Terminals, LRT/MRT Terminals at Highways sa inilunsad na Lakbay Alalay 2012 o baka naman abala lamang sila sa petsa-petsang lakad? Nalagay na naman kasi sa kahihiyan ang PNP, mga suki, kaya tiyak na babagsak na naman ang ekonomiya ng bansa sa mga darating na araw. Sino pa ang magtitiwalang Investors o negosyante kung ganito ka-lamya ang siguridad na ipinamamalas ng PNP? Mukhang hindi na biro itong pang-iinsulto ng mga kriminal sa ating kapulisan. Ang masakit, mukhang sinisisi pa ng PNP ang sambayanan dahil sa kanilang kawalan ng Moral. Alam na ng sambayanan na kulang talaga sa bilang ang kapulisan sa ngayon subalit hindi ito dahilan upang mapabayaan ang seguridad ng bansa. Di ba mga suki? Nasa tamang plano ito ng mga opisyal ng PNP dahil kung seryoso sila, may mga paraan ito na dapat nilang ipatupad. Kasi nga, tuwing maglulunsad lamang ng bagong programa ang PNP nakikita ang kanilang puwersa subalit, makalipas ang magdamag na pa-pogi, wala na rin ang mga ito na siyang sinasamantala ng mga kilabot at organisadong kriminal. Ang dapat na harapin ng PNP ay ang pangmatagalan na programa hindi yaong pakitang tao lamang. Marahil, ang nangyari sa Robinsons Galleria Shopping Mall ay nagmulat sa kaisipan ng ating kapulisan sa ngayon dahil mauulit at mauulit ito kung malamya at walang pangil itong si PNP chief P/DGen. Nicanor Bartolome. Magaling na lider itong si Bartolome sa ating kapulisan subalit ang pagkukulang ay nasa iba pa niyang opisyal na dapat na niyang hagupitin. Kung sabagay, hindi ka-taka-taka na palaging target ng Riding-in-Tandem itong Quezon City dahil sa lawak ng nasasakupan nito. Ngunit kung kikilos lamang itong si QCPD Director P/CSupt. Mario Dela Vega tiyak na masosolusyunan ito sa mga darating na araw. Kasi nga, ayon sa aking mga nakausap, kulang sa deployment ng kapulisan ang mga lansangan sa QC kaya malayang nakakalusot ang mga kriminal. Abangan!

BUS TERMINALS

DIRECTOR P

GALLERIA MALL

KAPULISAN

KASI

PNP

QUEZON CITY

ROBINSONS GALLERIA SHOPPING MALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with