^

PSN Opinyon

Editoryal - Marami pong salamat!

-

KUNG gaano na katagal ang pangyayari sa EDSA noong 1986, ganito na rin katagal ang Pilipino Star NGAYON (dating Ang Pilipino Ngayon). Itinatag ang diyaryong ito 20 araw makalipas ang People Power revolution na nagpatalsik kay President Ferdinand Marcos. Uhaw na uhaw sa babasahin ang mga Pilipino na 20 taon ding sinikil ni Marcos. Naging mabunga ang pagkakatatag ng pahayagang ito na hindi nagbago sa sinumpaang tungkulin na maglilingkod sa mamamayan. Mula 1986 hanggang ngayon, patuloy na naging mata at taynga ng mamamayan ang Pilipino Star NGAYON.

Nang magsimula ang Pilipino Star NGAYON, si President Corazon Aquino ang masusing binantayan pinuno ng pahayagang ito at pagkalipas pala ng 26 na taon, ang anak naman niyang si P-Noy ang babantayan. Mayroon pa palang karugtong ang nasimulan noong 1986.

Kung si Cory at ang tatlo pang presidente (Ramos, Gloria at Erap) ay sinubaybayan ng pahayagang ito at inireport sa mamamayan ang kanilang mga tagumpay at kabiguan sa pamumuno, ganito rin ang ginagawa ng Pilipino Star NGAYON kay P-Noy. Lahat nang mga galaw ni P-Noy kaugnay sa mga ipinangako niyang pagbabago sa bansa, pagbasag sa mga corrupt at pagtahak sa sinasabi niyang “tuwid na daan” ay inihahatid ng Pilipino Star NGAYON para sa kaalaman ng mamamayan. Susubaybayan ng Pilipino Star NGAYON ang pamumuno ni P-Noy at hindi kami mangingiming batikusin at purihin ang ginagawa niyang pamumuno.

Magpapatuloy ang pahayagang ito sa pagbibigay nang maiinit at patas na balita, matatapang, maaanghang at balanseng opinion, mga hitik na kaalaman at impormasyon na magagamit ng mambabasa sa pang-araw-araw na pamumuhay. Hindi magbabago ang Pilipino Star NGAYON sa nasimulang paglilingkod sa masang Pinoy. Patuloy na magiging mata at taynga ng mamamayan.

Tumagal kami nang 26 na taon at hindi ito mangyayari kung walang matibay na suporta ng mamamayan at advertisers. Utang namin sa inyong walang hanggang pagtitiwala ang lahat nang aming nakamtan sa loob nang 26 na taon.

Marami pong salamat!

ANG PILIPINO NGAYON

ERAP

NGAYON

P-NOY

PEOPLE POWER

PILIPINO

PILIPINO STAR

PRESIDENT CORAZON AQUINO

PRESIDENT FERDINAND MARCOS

STAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with