^

PSN Opinyon

'Ibalik ang bitay!'

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

ITO ang panawagan ng sambayanan kay President Noynoy Aquino. Kasi nga, laganap ang rape slay ngayon. At ang pa-ngunahing dahilan ay ang malaganap na bentahan ng shabu sa lahat ng sulok ng Pinas. Dagdag pa rito ang malamyang kampanya ng PNP kaya malayang nakagagala ang mga kriminal sa lansangan. Kasi nga kung gugustuhin ni PNP chief Nicanor Bartolome na matuldukan ang pamamayagpag ng drug traffickers, tiyak na matagal na itong nabuwag. Ang problema, marami sa mga pulis ngayon ang sumasawsaw sa pagpalaganap ng droga sa lipunan. Alam kong batid ni PNP chief Bartolome ang recycle ng shabu sa mga tanggapan ng pulis, subalit mahirap nga lamang niyang mahubaran dahil abala siya sa malamig niyang opisina.

At bilang patunay sa kakulangan ng kampanya ng PNP sa droga ay ang kalunus-lunos na kamatayan ng 7 taong gulang na si Arnieca Abando sa kuko ng dalawang adik na pedicab driver noong Sabado ng gabi sa Old Sta Mesa, Manila. Lumalabas sa imbestigasyon na isinagawa ng mga tauhan ni Sr. Insp. Joey Ocampo ng MPD-Homicide Division na ang ikinamatay ng bata ay ang sobrang pahirap ng halinhinang gahasain ng dalawang adik na sina Roderick Soliveres, 29, at Cecilio Bacolo, 19. Matapos gahasain, binigti pa ito ng nylon cord at iniwan sa isang silid sa fourth floor ng boarding house sa Pat Antonio St., Old Sta Mesa, Manila.

Ngunit kung malupit ang mga suspek, mas malupit ang ipinakitang kilos ni Ocampo sapagkat naaresto agad ang mga suspect. Mabuti na lamang at may Ocampo sa Manila Police District na simbilis ng kidlat kung kumilos sa pagtugis ng mga kriminal. Nang maaresto ang mga suspect, walang kagatul-gatul na inamin nina Soliveres at Bacolo ang karumal-dumal na krimen. Sa katunayan, isinalaysay pa ni Bacolo ang buong pangyayari: “Noong Sabado ng gabi, nag-inuman kami ni Soliveres at nabanggit niya kung nasaan ang alaga kong bata na kursunada niya. Agad kung sinabi na nandiyan lang sa kanilang bahay.” Doon na umano tinawag ni Bacolo ang bata at binigyan ng tinapay kung kaya’t napaamo nila ito hanggang sa madala nila ang bata sa Sta Mesa. Halinhinan nilang ginahasa ang bata. Itinuro ni Bacolo na si Soliveres ang bumigti sa bata sa pamamagitan ng nylon cord.

Palalampasin pa kaya ni P-Noy ang pangyayaring ito? Sa palagay ko hindi. Kung ang anomalya nga sa nagdaang administrasyon ay kinakabkab niya, ito pa kayang panggagahasa at pagpatay sa bata?

Nais ko namang saluduhan itong si Sr. Inspector Ocampo at kanyang mga magigiting na tauhan dahil sa napakabilis na pagkakaaresto sa mga suspect.

Mabuhay ka Sir!

ARNIECA ABANDO

BACOLO

BATA

CECILIO BACOLO

HOMICIDE DIVISION

JOEY OCAMPO

KASI

OLD STA MESA

SOLIVERES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with