^

PSN Opinyon

Ang pananalig ni Hesus

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva -

Dahil sa pag-ibig ng Diyos ay nilimot Niya ang ating pagsuway. Sa Kanyang kabutihan, pawang Oo ang nasasabi sa atin ng Diyos. Ang Oo ay katuparan ng lahat ng pangako sa atin ng Diyos.

“Sa nagawa kong pagsuway, Poon, ako ay lunasan”. Ang awa at biyaya ng Diyos ay hindi nagbabago. Ang Kanyang pag-Oo sa atin ay lubusan, kaya patuloy tayong magpasalamat, magpuri at humingi ng tawad upang patuloy tayong unawain at kahabagan. Kung tinutulungan tayo ng Diyos ay dapat din tayong tumulong sa kapwa!

Napakaganda ng kasaysayan ng isang paralitiko. Nais niyang lumapit kay Hesus upang mapagaling sa kanyang karamdaman, subalit paano siya lalapit gayong hindi siya makalakad. Naawa ang apat na lalaki sa paralitiko. Binakbak nila ang bubong sa tapat ng kinaroroonan ni Hesus at inihugos ang paralitikong nakaratay sa higaan.

Nahabag si Hesus at sinabi sa paralitko na pinatatawad na ang kanyang kasalanan.

Ang sinabi ni Hesus ay ikinagalit ng mga Pariseo. Hindi nila matanggap na sila ay tinuturuan ni Hesus na magpatawad sa kasalanan ng kapwa. Kaya sinabi ni Hesus sa paralitiko: “Tumindig ka, dalhin ang iyong higaan at umuwi ka”. Kadalasan ang ating karamdaman ay dala ng ating mga nagawang kasalanan tulad halimbawa ng sobrang pag-inom ng alak, paggamit ng ipinagbabawal na gamot, pagkain ng sobrang dami na laban sa ating kalusugan, maraming oras ng paggawa, kulang sa pahinga at hindi pagkain ng mga kailangan ng katawan. Lahat nang labis sa kabutihan ng ating katawan at isipan ay mga sanhi ng karamdaman at kasalanan.

Sa Pebrero 22 ay Ash Wednesday. Simula nang 40 araw ng pagsisisi at paghahanda sa Muling Pagkabuhay ng Panginoon. “Turn away from sin and believe in the gospel”.

Isaias 43:18-19, 21-22, 24b-25; Salmo 40; 2Cor1:18, 22 at Mk 2:1-12

ANG KANYANG

ANG OO

ASH WEDNESDAY

BINAKBAK

DIYOS

HESUS

MULING PAGKABUHAY

OO

SA KANYANG

SA PEBRERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with