VW Oscar B. Pante
TODAY is the 64th birthday of our Kuyang Oscar kaya naman masaya ang mga kuwago ng ORA MISMO and his family dahil ngayon ang celebration ng kanyang kaarawan.
Sabi nga, handaan umaatikabo!
Sa mga bisitang darating sa birthday party ni Kuyang Oca huwag kayong mahihiya at mag-alala dahil naka-alalay sina Ateng Nitz, ang nagmamahal niyang asawa, mga anak na sina Oscar Paulus II at Cherrylyn, Monyen at Francis Rubio, Oscar Paulus IV at Sharon at Oscar Paulus V siempre kasama ang mga apo nito na sina Carlo, Patrick, Paulen, Franchesca, Mason at Yohan.
Basta ang importante ay kumain lang kayo at enjoy the party,
Happy Birthday, Kuyang Oca!
P100 Philhealth card
HINDI tinitirya ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang pamunuan ng Philhealth sa kanilang mga ginagawang tulong daw sa madlang people kundi ginigising lamang natin sila sa katotohanan tungkol sa P100 halaga ng Philhealth cards na ibinebenta sa mga mall.
Sabi nga, ang mahal naman!
Ano kaya ang benepisyong makukuha sa P100 Philhealth card?
Mayroon ba?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung sa P100 Philhealth card sa mga mall siguro mas maganda pa ang pakulo ng ilang insurance companies sa halagang P10.00 ay may kasama ng coverage na P20,000!
Sabi nga, makukuha in case na malagapot este mali madisgrasya ka.
Ika nga, basahin ang P10 insurance policy.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, grabe as in grabe daw ang mahal ng Philhealth card sa mga mall dahil kung susumahin umano ang gastos sa card baka ito ay P10 to 12.00 lamang.
Hindi natin pinakikialaman ang gimik ng mga negosiante pero gumising naman kayo dahil pera din ito.
Saan nga naman napupunta ang pinagbentahan ng Philhealth card sa company ba?
Siguro para mas luminaw ito sa mata ng madlang people kailangan pumasok, busisiin, kalkalin ng Commission on Audit ang kinukuento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, para magkalinawan na tungkol sa bagay na ito.
Abangan.
- Latest
- Trending