^

PSN Opinyon

Tulfo Brothers

Panaginip Lang -

SA tinagal ng panahon ko sa media at sa public service (nanungkulan din ho ako sa ilang posisyon sa pamahalaan at nagsilbing consultant ng ilang senador hanggang sa kasalukuyan) ay naiisip ko madalas na masyadong matatapang ang magkakapatid na Tulfo. 

Unang nagpakitang gilas si Ramon na parang titser ko noong bago pa tayo sa media. Wala ring duda ang bagsik ni Erwin, Raffy at Ben sa mga column at radio/tv program nila kung saan harapan nilang kinagagalitan ang mga abusadong pulis. Si Ben ay kasama kong nagsusulat dito sa Pilipino Star NGAYON.

Aaminin kong madalas naiisip ko na baka naman sobra na harapang hiyain ang mga pulis pero sa naranasan ng pamilya ko ilang araw lang ang nakaraan ay naisip kong batiin sila at deretso kong sasabihin na kahit paano ay napupunuan nila ang galit ng maraming mga mamamayang nabibiktima ng mga pang-aabuso ng mga pulis. 

Kahit paano ay naigaganti nila ang mga biktima ng mga pulis gaya na lang ng anak kong si Daryl at misis kong si Susan na dapat pang itakbo sa ospital dahil tumaas ang blood pressure pagkatapos nilang makilala si SPO1 Gilbert Magayano ng Pasay police. 

Sa isyu tungkol sa trapiko, habang wala sa uniporme ay tinakot at tinutukan ang anak ko na nagmamaneho ng aming sasakyan kasama ng misis ko upang sunduin ang isa pang anak namin. 

Pinakitaan ng baril at mabuti na lang nakunan ng video na naninigaw at nananakot. Todo tanggi at nagsinungaling pa si Magayano nang ibuko ng magkakapatid na Erwin, Raffy at Ben sa Channel 5 kahit may kuhang video. 

Naisip ko talaga, paano kung ordinaryong mamamayan, paano kung wa­lang malapitan, kawawa naman. Mabuti na rin nandyan ang magkakapatid na Tulfo na kahit paano ay nahahagupit ang mga abusadong pulis gaya ni Magayano.   

To Mon, Erwin, Raffy and Ben, saludo ako sa tapang niyo. Mabuhay kayo.

* * *

Para sa anumang reak­syon, suhestiyon text lang sa 09498341929 o e mail sa [email protected]

vuukle comment

ERWIN

GILBERT MAGAYANO

MAGAYANO

PILIPINO STAR

RAFFY

RAFFY AND BEN

SI BEN

TO MON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with