^

PSN Opinyon

Umulan o umaraw baha rin sa Dagupan

- Al G. Pedroche -

MAY flood control program kaya ang Dagupan? Tag-ulan man o hindi ay bumabaha sa lungsod. Nagmistulang dagat dito noong 2011 dahil sa mga bagyong “Juan” at “Falcon”.

Tumanggap tayo ng reklamo na walang aksyon ang administrasyon doon. Halimbawa, hindi na naman naipasa ng Sangguniang Panlungsod (SP) ang 2012 budget para sa taon. Kasi daw, hindi matalakay nang husto dahil sa “gag order” ni Mayor Benjie Lim. Bawal sumali sa mga deliberasyon ng konseho ng lalawigan ang mga hepe ng iba’t ibang ahensiya ng city hall, kung wala siyang pahintulot. Kaya hindi maipaliwanag kung paano gugugulin ang mga nirerekomenda nilang budget.

 Dahil sa madalas na pagbaha, paulit-ulit ang suspensyon ng mga klase sa lugar kaya dismayado ang mga magulang. Marami ring nasisirang ari-arian at mga pamilyang nawawalan ng tirahan dahil sa baha.

 Laging takot ang mga residente na nangangambang pagdating ng ulan ay may kasabay itong matinding baha. Lubhang apektado ang mga negosyo at kabuha- yan ng mga kawawang nakatira doon.

 Dapat daw ay i-dredge o laliman ang mga ilog at tignan ang sewerage system.  Pero sumbong ng mga residente — walang aksyon si Mayor. Nagkaroon daw ng pondo para dito noon pero sa di malamang dahilan ay hindi natuloy. Tumanggap din daw ng calamity fund noong isang taon kahit wala ito sa ilalim ng tinatawag na calamity area subalit di malaman kung saan napunta ang sinasabing mahigit na P10 milyong pisong pondo.

Anang mga naiinis na residente, may isa pang kla­seng pagbaha ang dapat niyang asikasuhin — ang pagbaha ng puslit o smuggled meat sa Dagupan public market na matagal nang reklamo ng mga meat vendor. Lantarang ibinebenta ang mga inismagel na karne at walang aksyon ang local na gobyerno patungkol dito. Malaking kalugihan  daw sa mga tindera tuloy ang iligal na pagbebenta ng angkat na karne.

 Kawawa naman daw ang mga nasasakupan ni Lim dahil mukhang hindi na naman maibibigay ng kanyang administrasyon sa taumbayan ang mga kinakailangang serbis­yong pampubliko tulad nang nangyari noong 2011 nang umpisahang pagbawalan ni Lim ang kanyang mga hepe at pagsabihan itong huwag pansinin ang mga imbitasyon ng SP.

ANANG

BAWAL

DAGUPAN

DAHIL

DAPAT

MAYOR BENJIE LIM

SANGGUNIANG PANLUNGSOD

TUMANGGAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with