No. 2 ang NAIA sa worst airport sa mundo
NAGPALABAS ng isang artikulo ang USA Today para ipagbigay alam nito ang Ninoy Aquino International Airport ang ika-2nd worst airport sa buong mundo kaya naman muling natulala ang MIAA officials sa istorya.
Ika nga, napanganga? Hehehe!
Paano ang tourism?
Last October sa travel website sleeping in airport.com ay binigyan ng ranggo ang NAIA 1 as world’s worst airport.
Sabi nga for safety concerns, lack of comfortable seating, rude staff, hostile security, poor facilities, few services to pass the time, bribery and being kicked out or other hassles of being in the airport.
?At noon November 2011, CNNGo.com, rated NAIA as 5th world’s worst airports base sa mga naging observation ng mga passengers tulad ng nakakasukang amoy ng mga kubeta, longest queues, at rudest staff and of course dysfunctional airport terminal facilities.
Pinangalanan sa Frommers.com ang world’s 10 best and worst airport terminals, in terms of rating para sa four C’s: comfort, conveniences, cleanliness at customer service in airports.
Sabi nila ang pina- best airport ay ang Jeddah (Saudi Arabia) Hajj Terminal; Leifur Eriksson Air Terminal, Keflavik, Iceland; Seoul (South Korea) Incheon Airport; Wellington (New Zealand) “Rock” Terminal; New York JFK Airport Terminal 5; Singapore Changi International Airport Terminal 3; Marrakech (Morocco) Menara Airport Terminal 1; Madrid (Spain) Barajas Terminal 4; Carrasco International Airport, Montevideo, Uruguay; and Bilbao (Spain) Airport Main Terminal.
Ang ‘worst’ airport ay ang New York JFK Airport Terminal 3; Manila (Philippines) Airport Terminal 1; Moscow Sheremetyevo Airport Terminal B/C; Jomo Kenyatta International Airport (Nairobi, Kenya); Paris’ Charles de Gaulle Airport, Terminal 3; Amman (Jordan) Queen Alia Airport; New York LaGuardia Airport Terminal 5; Terminal B at Newark Liberty International Airport; Paris’ Beauvais Airport; and Chicago Midway Airport.
Ang hindi alam ng mga kamoteng nagsasalita ay binigyan ng budget ng P1.16 billion ang NAIA 1 para ito maayos at maging ‘special’ sa mata ng mga turistang dumarating sa Philippines my Philippines kaya nga, wait and see.
Teka pala!
May bidding ba? Hehehe!
Abangan.
* * *
Boyet Tasara at Jerry Salakot
ANO na ang nangyari kina Jerry Salakot at Boyet Tasara, sinasabing kolektor ng DILG sa illegal gambling payola?
Nasaan na sila ngayon1?
Nahuli ba, kinasuhan ba?
Last month ay galit na galit with matching buwisit ang naramdaman ni SILG Jesse Robredo ng mabalitaan nito na kinakalakad nina Boyet Tasara at Jerry Salakot ang kanyang name at ang DILG para hindi masaling ang illegal gambling operation at payola sa Pasay City dahil may basbas daw si Secretary sa pinaggagawa nila at ang masama pa daw ay ipinangongolekta o isinasama pa sa payola ang tanggapan ng DILG.
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Sino kaya ang tumatanggap ? Mukhang may nambubukol? Hehehe.
Ginawang yaya este mali inutusan pala ni Robredo si PNP Director Nick Bartolome na hulihin sina Boyet Tasara at Jerry Salakot may sombrero man sila o wala at kasuhan. Hehehe!
Ano na ang nangyari sa utos ni Robredo?
Ano sa palagay mo Sr. Supt. Frank Penaflor, DILG boy, asan ang mga kolektor?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Boyet Tasara, ay lespu daw kaya naman pinasisibak at pinakakasuhan ni Robredo ito kapag napatunayan nagkasala sa pangongolekta.
Ano ba ito?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sinasabing mga kolektor sa illegal gambling ng mga dating opisyal sa DILG ang dalawang ito.
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Mukhang late na sila ng malaman o baka naman ‘sleeping beauty’ si Penaflor?
‘Mukhang huli kung magalit at kung umaksyon si Robredo tungkol sa dalawa?’ sabi ng kuwagong nabukulan.
‘Nasaan ang ibang kolektor?’ Tanong ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.
‘Kamote, itanong mo kay Sr. Supt. Penaflor, baka alam niya?’
Abangan.
- Latest
- Trending