Maunlad at mapayapang taon para sa ating lahat!
DALANGIN ko na maging “maunlad at mapayapang taon para sa buong bayan ang 2012.” Sana ay mabawasan ang bilang ng mga kababayan nating nabubuhay sa matinding kahirapan.
Sana rin ay mababawasan ang bilang ng mga kababayan nating mapipilitang mangibang bayan at napipilitang maging malayo sa pamilya dahil sa panga-ngailangan ng trabahong hindi kaya ibigay rito sa atin.
Hangad ko rin na madagdagan ang mga trabaho rito sa atin at maging maayos ang pamahalaan upang matiyak na ang mga pondo ng bayan ay malagay sa tama at hindi sa bulsa ng mga corrupt na opisyal.
Of course, sana mabawasan ang corruption at patuloy na maging malinis at pinagkakatiwalaan si President Benigno “Noynoy” Aquino III.
* * *
May bagay naman akong hangad na sana ay mali ang mga balitang nakakarating sa akin na lalo ang tungkol sa Bureau of Customs kung saan patuloy muli ang maliligayang araw ng smugglers.
Kung noong nakaraang liderato ng Customs ay namamayagpag ang isang Tina Yu, ngayon ayon sa ating source ay ang magbalae. Opo, magbalae po ang mga kumikilos na ito na nagbibigay ng basbas kung sino ang palulusutin at sino ang hindi.
Sana ay mabigyan ng mas matinding suporta si retired General Danilo Lim na kasalukuyang Deputy Commissioner ang kampanya niya laban sa smuggling lalo na ang magbalae.
Nais ko rin makitang mag karoon ng pagbabago sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nasabihan ng mga experts natin tungkol sa mga lugar na magkakaroon ng matin-ding pagbaha at landslide na nagbulag-bulagan at nagbingi-bingihan.
Ang kasalukuyang li-derato ng DENR ay may pananagutan sa mga namatay noong bagyong “Sendong”. Sila at ang mga local na opisyal na walang ginawa kahit na alam nila.
Kailangan alisin ang mga ito lalo na at kauumpisa lang ng taon.
* * *
Para sa anumang re-aksyon, suhestiyon text lang sa 09498341929 o e mail sa [email protected]
- Latest
- Trending
















