^

PSN Opinyon

Hindi malilimutan sina Razon at Boysie

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

LIKAS na sa akin ang pagiging mapanuri sa uri ng pamumuno ng mga opisyal ng Philippine National Police. Madaling masalamin ang pagkatao ng isang pinuno ng PNP kung maayos, malinis at kaiga-igaya ang kapaligiran ng kanyang tanggapan. Maaari silang ipagmalaki at kailanman ang pangalan nila ay hindi malilimutan.

Isa na riyan ay si dating PNP chief Director Gen. Avelino Razon Jr. Bago naitalagang hepe ng PNP, nanungkulan siya bilang district director ng dating Western Police District (WPD) noong 2000. Halos lahat ay namangha sa malaking pagbabago matapos niyang ipakumpuni ang naggigitata at nabubulok ng WPD headquarters. Lumutang ang ganda ng WPD. Kasunod niyon ay nabago rin ang pag-uugali ng ilang pulis dahil sa pagsubaybay ni Razon.

Subalit nang lisanin ni Razon ang WPD, unti-unti na namang nabulok ang headquarters. Pinalitan ang logo ng WPD at ginawang Manila Police District (MPD). Nagbalik ang mga tamad na pulis ng Manila’s Finest.

Muling nabuhay ang ningning ng MPD nang pamunuan ito ni dating National Capital Region Police Office chief Dir. Roberto “Boysie” Rosales noong 2007. Nawala ang alingasaw ng mga comfort room. Tumino ang mga pulis dahil sa higpit ni Boysie. Bumalik ang pagtitiwala ng mamamayan. Nakaahon sa kahihiyan ang MPD.

Noong nakaraang Sabado, namangha ako sa aking nasaksihan sa Galas Police Station 11. Maayos na maayos ang station. Pagpasok ay makikita ang isang pulis na nag-iintertain sa mga bisita. Maayos din ang kanilang detention cell dahil katamtaman ang bilang ng mga nakakulong. Hindi magulo ang mga dalaw dahil may visiting time.

Mabango ang investigation room na napapaligiran ng salamin. Walang hukos pukos na nangyayari habang nag-iimbestiga ang mga tauhan ni Supt. Norberto Babagay. Magagalang ang mga pulis na aking nadatnan. Bukas ang kanilang police blotters upang mabasa ang mga istorya. Kabilang na rito ang paghuli nila sa isang lasing na pulis sa Bercks Resto Bar sa Araneta na nanutok ng baril. Tinutukan ng baril ni PO1 Alex Ragado sina PO3 Senen Santos at PO1 Leonardo Tupas nang sitahin sa dalang baril. Nagpakitang gilas si Ragado sa kainumang MMDA Traffic Enforcer na si Stephen Digdigan.

PNP chief Director Gen. Nicanor Bartolome at NCRPO chief Alan Purisima, sayang ang ginagawa n’yong pamumuno sa PNP kung sisirain lang ng bagitong pulis na si Ragado.

vuukle comment

ALAN PURISIMA

ALEX RAGADO

AVELINO RAZON JR. BAGO

BERCKS RESTO BAR

BOYSIE

DIRECTOR GEN

GALAS POLICE STATION

LEONARDO TUPAS

MAAYOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with