^

PSN Opinyon

Ang Kristong Hari sa huling paghuhukom

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva -

NGAYON ang Dakilang Kapistahan ng Pagkahari ni Panginoong Hesukristo sa Sanlibutan. Ito rin ang ika-34 o huling linggo sa karaniwang panahon sa liturhiya ng ating Kristiyanong simbahan.

Ipinasasabi sa atin ng Panginoong Diyos na Siya ang maghuhukom sa sanlibutan. Pagbubukurin Niya ang mga tupa at mga kambing. Hahanapin ng Diyos at mag-aalaga sa mga tupa Niyang nawawala. Pagbubukurin Niya ang mga mabait at masama. Ito ang pahatid sa atin ng Diyos Ama na muli Niyang binuhay si Hesukristo na katibayan sa Muling Pagkabuhay ng mga patay. Kung paanong namatay ang lahat ayon sa ating pagkakaugnay kay Adan ay panibagong buhay naman ayon sa pagkakaligtas sa atin ni Hesuskristo. Siya ang maghahari hanggang malipol Niya ang lahat ng masama. Kapag ang lahat ng nasa ilalim na sa kapangyarihan ni Hesukristo ay lubusan nang maghahari ang Diyos Ama sa lahat ng Kanyang nilikha.

 Sinabi ni Hesukristo sa Kanyang mga alagad: “Dara-ting ang Anak ng Tao bilang Hari, kasama ang lahat ng anghel at luluklok sa Kanyang marangal na trono”. Paghihiwalayin ni Hesukristo ang mga tupa at kam-bing; ang mabuti at masama. Ang sandigan ng Kanyang paghuhukom at pagpapapasok sa kaharian ng langit ay ayon din sa ating ginawa: nagutom siya at ating pinakain; nauhaw at pinainom; dayuhan at pinatuloy; nagkasakit, nabilanggo at dinalaw. Kaya sinabi Niya: “Halikayo mga pinagpala ng aking Ama”. Papapasukin na tayo ng mga anghel sa kahariang inihanda sa atin ng Ama mula pa nang likhain Niya ang sanlibutan.

At sa aba naman ng mga hindi sumunod sa banal na utos ng Panginoon. Sa paghuhukom ay pawang parusang walang hanggan sapagka’t pinagkaitan natin ng tulong at ipinahamak ang kapwa. Bago dumating ang katapusan ng ating buhay ay itanong natin sa sarili: May nagawa ba akong mabuti sa aking kapwa o may nagawa ba akong masama sa kanya? Lingunin natin ang kahapon at ayusin nating mabuti ang ngayon at bahala na sa atin ang Diyos bukas. Ngayon ay bukas ng isang kahapon!

Ezekiel 34:11-12, 15-77; Salmo 22, 1Corinto 15:20-26, 28 at Mt 25:31-46

DAKILANG KAPISTAHAN

DIYOS

DIYOS AMA

HESUKRISTO

KANYANG

MULING PAGKABUHAY

NIYA

PAGBUBUKURIN NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with