^

PSN Opinyon

'Chiong Uy'

DURIAN SHAKE -

MAS kilala si Mayor Rey Uy ng Tagum City, Davao del Norte sa pangalang “Chiong Uy”, bago pa man siya naging mayor ay ganun na talaga ang palayaw sa kanya.

Hindi kaila sa mga taga-Southern Mindanao na ang pamilya nina Chiong Uy ay unang nasa pagmimina ng ginto hanggang sa sila ay nag-diversify na rin sa ibang negosyo katulad ng bus line, kainan at maging ang Phoenix Petroleum na sinimulan ng kanyang pamangkin na si Dennis Uy.

Batid din ng mga Tagumenyo na nagagamit nang maayos ni Chiong Uy ang kanyang pagiging negosyante sa pagpatakbo niya nang maayos ng Tagum. Tinagurian na ang Tagum na pinakaprogresibong siyudad sa mga lalawigan sa Southern Mindanao.

Tanyag na ang malapit nang matapos na city hall ng Tagum bilang pinakamodernong city hall sa buong bansa. Mapapansin din ang mga punongkahoy na nasa center islands ng mga kalsada ng Tagum. May underpass na rin. At talagang ipinagmamalaki ng Tagum ang kanilang public cemetery na ginawang condominium style.

May sariling construction company at maging nursery ang city government of Tagum na pinamumunuan ni Chiong Uy.

Lahat ng construction work sa Tagum, maging buildings o roads o kahit ano ay ginagawa na ng city government dahil kumpleto sila sa mga equipment. Sila na rin ang gumagawa ng sarili nilang hollow blocks at iba pang kinakailangang construction materials.

Ngunit heto ang talagang saludo ako kay Chiong Uy at sana pamarisan ng ating ibang local officials — na ang city government of Tagum na ang gumagawa ng school desks para sa mga paaralan sa lungsod.

Ang school desks ay gawa sa mga kahoy na nakukum­piska ng awtoridad sa lalawigan. Ang mga troso ay kinukuha ng Department of Environment and Natural Resources na binibigay naman nila kay Chiong Uy at ginagawang school desks.

Ang school desks na ginagawa ni Chiong Uy ay hindi lang naman para sa mga Tagumenyo. Nitong mga huling araw ay nakaaabot na sa Lumad pupils sa mga bundok ng Talaingod, Davao del Norte  ang school desks.

Daan-daang school desk ang dineliver ni Chiong Uy nitong nakaraang linggo sa Talaingod. Makikita sa mga mata ng mga batang Lumad ang galak at tuwa na may magagamit na sila.

Tiyak marami pang school desks ang magagawa nina Chiong Uy dahil may mga isang dosenang trak ng troso na naman ang nakumpiska ng awtoridad na nagmamanman sa illegal logging sa rehiyon. 

Mahalaga ang school desks sa pag-aaral ng mga kabataan ngunit salat nito ang Department of Education. Mabuti na lang at may mga katulad ni Chiong Uy na marunong gumawa ng paraan upang mapunan ang pagkukulang na ito.

CHIONG

CHIONG UY

DAVAO

DEPARTMENT OF EDUCATION

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

SCHOOL

SOUTHERN MINDANAO

TAGUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with