^

PSN Opinyon

Mga pagbabago sa taon 2025

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Mabilis umasenso ang technology! Kung ikaw ay hindi umaagapay sa mga pagbabago ay mapag-iiwanan ka ng panahon. Bagong taon na naman (2025) sa ika-21 milenyo at ang tanong: ano na namang mga bagong gadget, model ng cell phone at computers ang susulpot? Ngayon ay nasa AI (artificial intelligence) age na tayo.

Kung iisipin, nakakapangilabot ang teknolohiyang ito. Bi­ruin n’yo na ang mga makina na ang mag-iisip para sa tao? Ayon sa mga eksperto, maraming invention mula sa ika-20th century ang maglalaho at papalitan na ng mga makinang nag-iisip na parang tao.

Dalawa sa mga teknolohiyang ito ay ang nakamulatan na nating fax machine at landline na telephone. Habang gina­gawang mabilis ng makabagong teknolohiya ang mga bagay na lagi nating ginagawa, lalo tayong nagiging mainipin. Naghahanap tayo ng mas mabilis na paraan.

Kung tutuusin, kahit available pa ang mga facsimile ma­chines (fax) maaari nang makapag-transmit ng mga doku­mento sa mas mabilis na paraan gamit lang ang cell phone. Kaya hinuhulaan na sa taong ito, mapi-phase out na ang mga fax machine. Ganyan din naman ang mga landline tele­phone na ngayo’y madalang nang gamitin.

Sa pamamagitan lang ng simpleng cell phone, basta may internet connection, makakatawag ka saan mang panig ng mundo na walang bayad matangi sa monthly dues para sa internet.

Noong wala pang internet, tumataas ang telephone bill mo kapag may tinatatawagan ka sa ibang bansa. Ngayon pu­wede pa ang telebabad na walang inaalalang mataas na bill.

Ang isa pang positibong ibinunga ng cyber technology ay maraming job opportunities ang nabuksan gaya ng on-line selling. Maraming kabataan ngayon ang yumaman dahil sa kakayahan sa cyber technology.

Ngunit kasabay ng mga benepisyong iyan, mayroon din namang mga taong ginagamit ang teknolohiya sa panloloko ng kapwa. Diyan naman tayo dapat mag-ingat.

Lahat ng tao ay nakaantabay at inaabangan ang modernisasyon ng cyber technology. Kasabay nito, magsikap din ang lahat na maging cyber literate upang hindi mabiktima ng mga manloloko.

TECHNOLOGY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with