^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mga PO1 ang pasaway

-

NAPAPANSIN n’yo ba na pawang mga baguhang pulis ang pasaway? Sila yung mga bagong pulis na katatapos lamang ng training at isinabak na sa larangan. Karamihan sa kanila ay mga payatot pa at walang tiyan. Pero sa kabila ng kanilang kapayatan at kawalan ng bilbil, sagana naman ang utak nila sa paggawa ng kalokohan at kasamaan. Mistulang mga asong gutom na pinakawalan sa kalye at bawat makita ay sinasakmal. Kapag ang mga PO1 na ito ay hindi sinuweto ng mga pinuno nila, ang taumbayan ang kawawa. Imagine, yung ginagastos ng PNP para sa training ng mga pulis ay galing sa buwis ng taumbayan, pero pawang kalokokohan at kasamaan lang pala ang isusukli. Grrr!

Tingnan na lang itong balita tungkol sa apat na baguhang pulis mula sa Manila Police District (MPD). Inakusahan sina Police Officers 1 Lester Caguintuan, Richard Closa, Andres Nuñez at Christopher Duran ng pagtorture sa dalawang holdup suspect noong Agosto 11. Ayon sa dalawang suspect na sina Jerry Diaz, 38, at Rommel Perez, 30, inaresto sila ng mga pulis at tinorture para aminin ang mga nangyayaring holdapan sa Blumentritt, Sta. Cruz. Sa loob mismo ng detention cell ng Blumentritt police station sila tinorture. Ayon sa dalawa, binuhusan sila ng kumukulong mantika sa likod, balikat at taynga. Pinalo rin sila ng yantok sa paa at likod.

Nagreklamo ang mga biktima sa Commission on Human Rights at National Police Commission. Dinisarmahan na ang apat na pulis at nilipat na sa MPD headquarters. Ayon sa hepe ng apat na baguhang pulis, hindi raw niya ito-tolerate ang masamang gawain ng kanyang mga tauhan.

Ito pa ang isang PO1 na pasaway. Naaresto si PO1 Jerome Javier at dalawang sibilyan dahil sa pagbebenta ng illegal firearms. Nahuli kay Javier ang dalawang kalibre .45 pistols sa aktong nakiki­pagnegosasyon sa buyer. Sinampahan na umano ng kaso ang baguhang pulis na si Javier.

Marami pang PO1 na pasaway. Naghahatid sila ng takot sa sambayanan. Kailan kaya matututo ang PNP sa pagpili ng mga pulis? Dapat mabantayan ang mga PO1. Huwag agad silang aalagwahan na animo’y asong ulol at kawawa ang kanilang masasakmal.

vuukle comment

ANDRES NU

AYON

BLUMENTRITT

CHRISTOPHER DURAN

HUMAN RIGHTS

JAVIER

JEROME JAVIER

JERRY DIAZ

PULIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with