^

PSN Opinyon

Talo ang Maguindanao

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

ANG isang latest na napapag-usapan sa mundo ng local politics ay ang napipintong dibisyon ng lalawigan ng Camarines Sur. Sa panukala ng apat sa limang Kongresista ng probinsiya, bumoto ang House of Representatives ng dumadagundong na 229 to 1 para ang dating 4th and 5th districts nito ay mahiwalay sa 1st to 3rd districts. Ang kalalabasang bagong 1st class province ay papangalanang Nueva Camarines.

Mula nang ipinasa ang Local Government Code noong 1991, siyam na ang pagkakataon kung saan sinubukang gumawa ng bagong lalawigan ang ating mga mambabatas. Ang Biliran na hiniwalay sa Leyte, Guimaras from Iloilo, Sarangani from South Cotabato, Zamboanga Sibugay from Zamboanga del Sur, Isabela to Isabela Norte and Sur, Kalinga and Apayao separated, Compostela Valley from Davao del Norte and Quezon to Quezon Norte and Sur. Maliban sa Isabela at sa Quezon, lahat ng batas na ito ay inaprubahan ng residente sa plebisito.

Matagal nang hinihintay ng mga residente ng Camarines Sur ang ganitong pagkakataong desisyunan ang kanilang sariling kapalaran. Ang inaani ngayong paghanga sa high profile nito bilang sentro ng turismo ay naghahatid ng maling mensahe. Ang Camarines Sur ay hindi gawa sa CamSur Water Complex (CWC) at sa Caramoan White Sand Beaches lamang. Ang CamSur ay isa sa pinakamalaki at pinakamatao na probinsiya. At ang mga bayan nito’y pinaghihiwalay ng malayong agwat at ng mga natural barrier tulad ng bundok at gubat. Gaya ng reklamo ng Mindanao tungkol sa Imperial Manila, hindi umaabot sa maliliit na bayan ang tagumpay na natatamo ng CWC at Caramoan. Sa katunayan, sa mismong good governance index ng National Statistics Coordinating Board, ang Camarines Sur ay kabilang sa 10 worst governed provinces, No. 78 out of 79! Tanging ang probinsiya ng Maguindanao sa lahat ng probinsiya ng Pilipinas ang mas malala ang pamamalakad. At sa buong Bicol Region, ang CamSur din ang pinakamababa ang poverty incidence rating. Ibig sabihi’y mas mahirap pa ito sa Catanduanes, Sorsogon, Camarines Norte at Albay sa kabila ng limpak limpak na income mula sa CWC at Caramoan.

Mayaman ang CamSur. Kailangan lang maituwid ang sistema kung paano ito mapapaabot sa lahat. At sa mata ng mga mambabatas ang paghati nito sa dalawa ang siyang magsisiguro na mas madali itong patakbuhin ng mahusay.

ANG BILIRAN

ANG CAMARINES SUR

BICOL REGION

CAMARINES NORTE

CAMARINES SUR

CARAMOAN

CARAMOAN WHITE SAND BEACHES

COMPOSTELA VALLEY

HOUSE OF REPRESENTATIVES

IMPERIAL MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with