^

PSN Opinyon

'Shout Out!'

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -

Reklamo mo, Isigaw mo! Eto ang isa sa pinakabagong segment na mapapanood sa programang BITAG Live tuwing alas 7:30 hanggang alas 9 ng umaga sa UNTV 37. 

Tinawag namin itong shout out kung saan, kahit sino, maliit man o malaki, walang pinipiling edad o antas sa buhay ay maaaring iparating ang kanilang reklamo sa telebisyon.

Rated B.A.D ito o Bawal Ang Duwag kapag nagre-reklamo. Hamon ito sa mga biktimang may totoong sumbong at handang pangatawanan ang kanilang reklamo.

Kahapon, ipinalabas sa BITAG Live ang sumbong ng dating empleyado ni Bayani Fernando. 

Sumbong nito, pinagmumura at sinuntok daw siya ng dating amo matapos niyang makaligtaang ilagay ang battery sa golf car ng amo.

Isa itong reklamo ng pang-aabuso at kasama sa krusada ng BITAG ang tugisin ang mga nang-aabuso’t walang pakundangang manakit ng kapwa.

Walang karapatan ang kahit sino manakit ng tao lalo na’t simpleng dahilan lamang ang pinagmulan nito.

Sinumang Hestas, Barabas at Hudas na inirereklamo, basta’t nakarating sa BITAG ang reklamo ng biktima, manghihimasok kami.

Bago ipalabas ang nasabing segment, muling sinubukan ng BITAG na tawagan ang kumpanya ni BF na “BF Metals” subalit walang sumasagot.

Tinangka rin ng aking mga staff na tawagan ang mismong cellphone ni Bayani subalit kinakansela nito ang aming tawag. Tila ayaw nitong sumagot sa nasabing sumbong.

Karapatan ng inirerekla-mong si BF na marinig ang sumbong laban sa kaniya at magsalita o magbigay ng kaniyang panig hinggil dito.

Sa ikatlong pagkakataon, sinagot niya ang aming tawag. Subalit ayon sa aking staff, nagagalit daw ito sa kabilang linya at bigla itong naputol sa telepono.

Ang segment na SHOUT OUT ay rated B.A.D., hindi lamang sa mga nagrereklamo kundi para rin sa mga mismong isinusumbong.

Bawal Ang Duwag! Sagutin ang bawat reklamo. Sa ngalan ng balanseng pamamahayag, kinukuha namin ang panig ng inirereklamo.

Ang pag-iwas ay katumbas ng katotohanan, kung hindi totoo, pagkakataon na sagutin o pasinungalingan ang isyu. Hindi ba BF?

vuukle comment

BARABAS

BAWAL ANG DUWAG

BAYANI

BAYANI FERNANDO

ETO

HAMON

HUDAS

RATED B

REKLAMO

SINUMANG HESTAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with