^

PSN Opinyon

Pagtutuwid: Zero ang taripa sa libro

SAPOL - Jarius Bondoc -

Bago na ang e-mail ko: [email protected]

* * *

NABIGLA ako sa balita kamakailan tungkol sa pag-aayos ng Bureau of Customs sa mga patakaran sa pag-angkat ng mga libro mula abroad. Sabi sa ulat, papatawan ng 5% import duty ang mga diksiyonaryo, encyclopedia, mapa, at hydrographic chart, pati na rin mga drawing pang-arkitektura at inhinyera. Ito’y sangayon daw sa Executive Order 855, Series of 2010.

Galit akong naghanap ng contact sa Customs para ipaabot kay Commissioner Angelito Alvarez na kahibangan ito.

Aba’y hindi dapat binubuwisan ang pag-angkat ng libro, lalo na kung pang-edukasyon, agham o kultura. Kaisa ang Pilipinas sa 1952 Florence Agreement. Sa kasunduang pandaigdig na isinulong ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (Unesco), ipinaalis sa mga kasaping bansa ang anomang taripa sa pagpasok ng mga aklat. Sa 1987 Constitution, isang buong Artikulo XIV ang nagsusulong ng Edukasyon, Agham, Teknolohiya, Sining, Kultura, at Palakasan. Nakasaad doon ang tax exemptions.

Nirepaso ni Alvarez ang press release nila. Naku, may dalawang mali pala sa pagkakasulat ng paragraph tungkol sa 5% import duty, aniya. Una, hindi EO 855 kundi EO 885, Series of 2010, ang dapat na tinukoy na nag-aayos ng mga patakaran sa pag-angkat ng libro. Pangalawa at mas importante, sinasaad nga sa EO 885 na ginawa nang 0% ang import duty sa mga libro, mula sa dating 5%. Ang may 5% tariff na lang ay mga magasin, tulad ng Vogue, GQ at Playboy, na hindi tuwirang pang-edukasyon, agham o kultura, kundi libangan. Nasita tuloy ang sumulat ang nagpakalat ng maling press release.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

AGHAM

ALVAREZ

ARTIKULO

BUREAU OF CUSTOMS

COMMISSIONER ANGELITO ALVAREZ

EXECUTIVE ORDER

FLORENCE AGREEMENT

SCIENTIFIC AND CULTURAL ORGANIZATION

UNITED NATIONS EDUCATIONAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with