^

PSN Opinyon

'May prostate cancer kaya ako?'

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
Magandang araw po Dr. Elicaño. Matagal na akong tagasubaybay ng column mo. May gusto lang akong malaman ukol sa prostate cancer.

Ako ay 55-anyos na, may asawa at isang anak. Nitong mga nakaraang buwan, may mga napapansin sa aking sarili at isa na rito ang madalas na pag-ihi sa gabi. Napupuyat ako dahil sa madalas na pag-ihi pero ang nakapagtataka ay kaunti lang naman ang nailalabas kong ihi. Sintomas ba ito na may prostate cancer? Ano po bang test ang ginagawa para malaman kung may prostate cancer?

Marami pong salamat sa payo.LEO A. MANSALAPUS, San Pablo City, Laguna

Isa sa mga sintomas ng prostate cancer ay ang madalas na pag-ihi sa gabi – maaaring apat hanggang limang beses. Sintomas din ang masakit na pag-ihi at kakaunti lang ang inilalabas. Sa kaso mo na madalas umihi, maipapayo ko na magpa-check-up para malaman ang dahilan kung bakit madalas kang umihi. Maaaring diabetic ka. Kailangang malaman ang dahilan.

Isa rin sa mga sintomas ng prostate cancer ay ang madalas na pananakit ng pelvic.

Nade-detect ang prostate cancer sa pamamagitan      ng prostate-specific antigen (PSA) test. Ang prostate cancers ay karaniwang nagpo-produce ng extra PSA at nade-detect sa dugo. Ang PSA ay protein na pino-produced ng cells ng prostate gland. Kukunin ang measurement ng level ng PSA sa dugo. Kukuha ang doctor ng blood sample at amount ng PSA at eeksaminin sa laboratory. Ang normal value ay mula 0 hanggang 4 mg.

Kung ang PSA ay mahigit 10, kailangan ang atensiyon sa problemang ito.

vuukle comment

ANO

CANCER

DR. ELICA

ISA

KAILANGANG

KUKUHA

KUKUNIN

PROSTATE

SAN PABLO CITY

SINTOMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with