Kahirapan at growth projection sa Pilipinas
NAPAG-USAPAN namin ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ang inilabas na “Philippine Quarterly Update” ng World Bank hinggil sa isyu ng kahirapan sa bansa gayundin sa tinatayang magiging paglago ng lokal na ekonomiya sa mga susunod na taon. Ayon sa World Bank, nagkaroon ng matinding paglala ng kahirapan sa Pilipinas noong 2003 hanggang 2009. Humigit-kumulang na 2.4 milyong Pinoy umano ang napabilang sa kategoryang mahirap mula 2003 hanggang 2006 at karagdagan pang isang milyon mula 2006 hanggang 2009.
Ang poverty incidence umano sa rural areas ay “39.5 percent of the population in 2006 up from 38.1 percent in 2003, while poverty incidence in urban areas was recorded at 12.9 percent in 2006 from 11.3 percent three years earlier.” Base umano sa “international poverty line of $1.25 per day,” ang Pilipinas ay bahagya lang na nakauungos sa bansang Cambodia.
Gayunman, positibo ang “growth projection” ng World Bank para sa Pilipinas. Nananatili umano ito sa 5 percent growth forecast ngayong taon at 5.4 percent naman sa 2012 “on expectations that investments, private consumption and the services sector will strengthen.” Malaking factor umano sa magiging paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ang mga hakbangin ng administrasyong Aquino sa paglaban sa korapsyon at sa pagpapalakas ng investment climate sa bansa.
Dagdag ng World Bank, “The challenge now is sustaining the momentum of reform for achieving inclusive or broad-based growth that benefits the poor…. To ensure inclusive growth, a steady focus on reforms will be needed but so will additional resources.”
Ayon kay Jinggoy, mahalagang pag-aralan ang naturang World Bank report. Nanawagan siya sa pamahalaan, laluna sa mga economic manager nito, na isulong ang mga istratehikong hakbangin sa pagbaka sa kahirapan at sa pagpapalakas ng mga patrabaho para sa taumbayan.
- Latest
- Trending