^

PSN Opinyon

Sec. sakit-ulo? E di pugutan

SAPOL - Jarius Bondoc -

SAKIT ng ulo lang ang binibigay sa kanya ng tatlong di-pinangalanang taga-Gabinete, ani Pangulo Noynoy Aquino. Kung company CEO ako, tapos puro problema imbis na solusyon ang ibinibigay sa akin ng top managers, sisibakin ko sila agad. Kasi, pinasusuweldo sila para lutasin ang problema at pagkatapos ay mag-report sa akin, hindi ‘yung ako pa ang paglulutasin ng problema. Hindi ko uubusin ang oras ko bilang CEO sa pag-aayos ng departments nila. Gan’un din sa pagpapatakbo ng Ehekutibo. Pugutan na dapat ni P-Noy ang mga mahinang Kalihim.

Kanya-kanyang estilo ang mga Presidente sa pagpapatakbo ng Gabinete. May mga katulad nina Dwight D. Eisenhower ng US at Cory Aquino natin, na istriktong nagdadaos ng lingguhang Cabinet meetings. Parang mini-Parliament, lumalahok lahat sa deliberasyon miski hindi nila linya ang nakasalang na isyu. Halimbawa, ang secretary of health ay nakiki-diskusyon tungkol sa kung bobombahin ng America ang Korea. O ang foreign secretary sa outbreak ng malaria sa paligid ng Metro Manila.

Meron din Pangulo na ang estilo ay tulad ng payo ni Machiavelli sa The Prince. Sina Ronald Reagan, George H. Bush, Bill Clinton, George W. Bush at Barack Obama ng America, at si Fidel Ramos natin ay ganito. Ang mga Kalihim nila ay tagapagpatupad ng patakaran, na hinuhubog ng core group. Sa White House araw-araw ay pinupulong ng President ang Vice President, Secretary of State, National Security Adviser, at chief of staff. Kung may kailangan hingin sa Kongreso, kikilos ang VP, bilang Senate presi­ding officer. Kung may ipa­tutupad sa mga ambas­sadors, ang state secre­tary na ang bahala. Kung tung­ kol sa militar, ang NSA ang naka toka; kung tung­kol sa Gabinete, ang chief of staff naman. Cabinet clusters na lang ang nagmi-meeting: sa economy o security.

* * *

Makinig sa Sapol, Saba­do, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: mailto:[email protected]

BARACK O

BILL CLINTON

CORY AQUINO

DWIGHT D

FIDEL RAMOS

GABINETE

GEORGE H

GEORGE W

KALIHIM

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with