^

PSN Opinyon

4 na 'Salisi' na nambiktima sa customer ng Aristocrat, tiklo

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

SA nakaraan kong kolum, tinalakay ko ang Salisi gang na sumalakay at nambiktima sa customer ng Aristocrat Restaurant, Malate Branch. Hindi tinulungan ng waiter, waitress at guwardiya ang biktimang si Remedios Robles, retired fashion designer na natangayan nang malaking halaga ng pera at mga alahas.

Pero dahil sa pagkilos ng Manila Police District Station 4, naaresto ang apat na miyembro ng Salisi. Mga tauhan ni Supt. Frumencio Bernal ng Ermita Police Station ang nakadakma sa apat dahil sa pakikipagtulungan ng mga security guard ng City Garden Hotel. Ayon kay Col. Bernal­, tinawagan sila ng mga sekyu ng City Garden nang mapansing binibiktima ang isang tourista sa loob ng hotel. Mabuti pa ang mga sekyu ng City Garden Hotel at may malasakit sa kanilang guest samantalang ang management ng Arstocrat Restaurant ay tila walang pakialam sa kanilang mga kustomer.

Mga suki, mag-ingat kayo kapag nasa loob ng Aris­tocrat at baka mangyari rin sa inyo ang masaklap na karanasan ni Mrs. Robles. Sa tingin ko kasi, walang maaasahang malasakit o maprotektahan ang kustomer habang ninanamnam ang masarap sa nasabing restaurant. Kasi nga, hanggang sa ngayon na isinusulat ko ang kolum na ito, wala ni isang waitress o empleyado na inulutang ang managemnent ng restaurant upang makatulong sa imbestigasyon. Ang iniharap ay chief security umano na sa tingin ko wala namang alam. 

Inatasan ni Chief Insp. Arthur Paras, hepe ng Theft and Robbery Section ang kanyang mga tauhan na habulin ang mga salarin. Sinalakay ng mga tauhan ni Paras sa pakikipagtulungan ng Bacoor Police ang pinagkukutaan ng mga kawatan sa Molino, Bacoor, Cavite matapos na inguso ng mga nahuling suspek. Pinamunuan ni SPO3 Renato Perez ng Follow-up Unit kasama sina SPO3 Carillo, SPO3 Paglilagan, SPO2 Valenzona, SPO2 Pantaleon, SPO1 Macaraeg, PO3 Gordius Alumbro, PO2 Dequito, PO2 Bautista, PO1 Cipriano at SPO1 Willex Mesina ngunit nakatunog ang mga ito matapos na protektahan ng ilang residente.

Subalit matunog si SPO1 Carlos Garcia, officer-on-case kaya kanyang hiniram ang mga suspek na sina Mitch Lopez, Teresa Ocampo, Leah dela Paz at Miriam Gullon sa kamay ni Col. Bernal upang patugain kung saan nila itinago ang mga nakulimbat. Madali namang nakumbinsi ang mga ito at agad na itinuga kay Garcia kung saan nila iniwan ang bag ni Robles. Agad na isinama si Miriam Gullon sa Jollibee Store, Magallanes Branch sa Makati City, subalit dalawang alahas na lamang ang narekober ng tropa ni Perez.

Naghihimas na ng rehas ang apat subalit hindi pa tumitigil ang mga tauhan ni Paras sa paghahanap sa dalawa pang salarin. Payo kong muli mga suki, maging maingat sa pagdadala ng mga mahahalagang kagamitan sa tuwing papasok sa mga establisimento partikular ang restaurant dahil hindi lahat ng management ay may malasakit sa kanilang kustomer. 

ARISTOCRAT RESTAURANT

ARSTOCRAT RESTAURANT

ARTHUR PARAS

BACOOR POLICE

BERNAL

CARLOS GARCIA

CHIEF INSP

CITY GARDEN HOTEL

MIRIAM GULLON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with